23/03/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐! ๐ฉธ
๐ธ ๐ต๐จ๐บ๐จ ๐ณ๐จ๐น๐จ๐พ๐จ๐ต: Nagsagawa ng bloodletting activity ang Culasi Health Team kasama ang Department of Health Human Resources of Health (DOH-HRH) at Red Cross sa Brgy. San Juan noong Biyernes, ika-20 ng Marso 2026.
Sa pangunguna ni Bb. Maricyl Espartero, RN; at ng mga barangay officials, BHW, BNS, at BSPO, nakapagtala ng higit 23 katao na lumahok sa pagdo-donate ng dugo. Matagumpay na nahigitan ang target na katao para sa barangay na ito.
โMahalaga ang pagdo-donate ng dugo sapagkat maraming matutulungang tao ang bawat patak na mado-donate sa bawat baranggay. Importante na makapagsagawa ng regular na bloodletting activity upang matiyak na may sapat na suplay ng dugo sa oras ng emergency,โ wika ni Dr. Aries Pascua, DTTB ng Culasi at isa rin sa mga nag-donate ng dugo.
Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at lumahok sa bloodletting activity sa Brgy. San Juan. Abangan ang mga susunod na anunsyo para sa iba pang aktibidades gaya nito. Inaanyayahan ang lahat na lumahok at makibahagi sa pagdurugtong-buhay!