Habitat Birthing Home Clinic

Habitat Birthing Home Clinic Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Habitat Birthing Home Clinic, Medical and health, Habitat phase B Blk. 9 lot 5 tambis Street, Dadiangas.

15/08/2025

Payo ng DOH:

βœ… Planuhing mabuti ang pagbubuntis na naaayon sa iba’t ibang konsiderasyong may kinalaman sa kalusugan at maayos na pamumuhay ng pamilya.

Tandaan, Panalo ang Pamilyang Planado.




30/07/2025
Available as always πŸ’‰
30/07/2025

Available as always πŸ’‰

ALWAYS be SMART & SAFE with your One Month Protector! πŸ’‰πŸ’–

29/07/2025
21/07/2025

IWASAN ANG MAAGANG PAGBUBUNTIS!

Ang kabataan ay pag-asa ng bayan β€” huwag hayaang maantala ang iyong mga pangarap dahil sa mga desisyong maaaring iwasan.

Maagang pagbubuntis ay may kaakibat na mga panganib:
❌ Maagang paghinto sa pag-aaral
❌ Panganib sa kalusugan ng ina at sanggol
❌ Kakulangan sa emosyonal at pinansyal na kahandaan
❌ Mabigat na responsibilidad sa murang edad

Pero *may paraan* upang ito’y maiwasan!
βœ… Mag-aral nang mabuti
βœ… Makinig sa payo ng magulang at g**o
βœ… Alamin ang tamang impormasyon tungkol sa reproductive health
βœ… Igalang ang sarili at ang kapwa

πŸ‘©β€πŸŽ“πŸ‘¨β€πŸŽ“ *Kabataan, ikaw ang may kontrol sa iyong kinabukasan!*
Huwag matakot magtanong at matuto β€” mas ligtas, mas handa, mas responsable!

πŸ“Œ Tandaan: **"Ang tunay na pagmamahal ay marunong maghintay."**
Piliin ang tamang panahon. Piliin ang magandang kinabukasan. 🌟




27/06/2025

Walang magtutulakan.

‼️
18/06/2025

‼️

22/05/2025
12/04/2025

Ito ang Implant na ginagamit natin dito sa Pilipinas.

ANO ANG IMPLANT?
-ito ay 99% epektibo sa loob ng tatlong taon.
-Ang implant ay isang maliit at malambot na tubo na nilalagay sa ilalim ng balat sa tagong bahagi ng braso ng babae.
-Naglalaman ng isang hormones ito ay ang progestin hormones, kaya normal lamang kung walang regla ang gumagamit nito.
-Pinipigilan nito ang pagbubuntis sa loob ng tatlong taon.
-Ang maaari lamang magkabit ng implant ay mga sertipikadong health worker.
-Maaring magbuhat ng mabigat ang mga naka implant.

PAANO ITO INILALAGAY?
-Lilinisan ang bahagi ng braso na pagkakabitan ng implant gamit ang bulak na may betadine.
-Maglalagay ng kaunting anesthesia sa ilalim ng balat.
-Gamit ang aparato ng implant,ilagay ang implant sa bahaging pinaglagyan ng anesthesia.
- Tinitiyak ng healthcare provider na nasa ilalim ng balat ang karayom kung saan nakalagay ang implant.
-Itulak ng health worker pababa ang panulak sa karayom (ang karayom ay papasok sa aparato at maiiwan naman ang implant).
-Ipapakapa sa kliyente ang implant at lalagyan ng band-aid ang pinagtusukan ng implant.
-Babalutin ng health worker ng benda ang bahaging may implant.

DAPAT TANDAAN PAGKAKABIT NG IMPLANT?
-Ang benda ay tatanggalin pagkaraan ng 24 oras.
-Tiyaking hindi mababasa ng tatlong araw ang brasong may implant.
-Palitan ang band-aid araw-araw sa loob ng pitong araw.
-Posibleng magkapasa ang braso na pinagkabitan ng implant.
-Uminom ng mefenamic acid kapag may kirot na nararamdaman.
-Maaring magtrabaho at magbuhat kahit bagong lagay ang implant.

SINO ANG MAAARING GUMAMIT NG IMPLANT?
-Ang mga babae nakakatapos lang manganak ay pwede agad magpa implant.
-Mga babaeng nagpapasuso
-Mga nag-aagwat ng panganganak
-May regla o walang regla batsa siguradong hindi buntis.
-Walang sakit tulad ng na cancer, sakit sa puso, altapresyon, sakit sa atay,at bukol-bukol sa katawan.

PAALALA!

DEPENDE SA KATAWAN NG BAWAT GUMAGAMIT ANG REACTION NITO. HINDI YAN MAGKAKATULAD. KAYA NORMAL LAMANG KUNG WALA KANG REGLA, NIREREGLA KA, O NAKAKARANAS NG SPOTTING HABANG IKAW AY NAKA IMPLANT. WALANG DAPAT IKABAHALA KUNG YAN ANG IYONG MARANASAN.

02/04/2025
‼️GOOD NEWS MGA PREGGY MOTHERS! 🀰Pwede na po manganak sa lying-in ang panganay at ika lima o higit pa! πŸ’•πŸ“Visit Us for mo...
16/02/2025

‼️GOOD NEWS MGA PREGGY MOTHERS! 🀰
Pwede na po manganak sa lying-in ang panganay at ika lima o higit pa! πŸ’•

πŸ“Visit Us for more Information!

Address

Habitat Phase B Blk. 9 Lot 5 Tambis Street
Dadiangas
9500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Habitat Birthing Home Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Habitat Birthing Home Clinic:

Share