12/04/2026
Sa pagtaas ng heat index, uso na ang mga heat-related illnesses. Ito ay nagdudulot ng dehydration, heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke. ☀️🥵
Gawin ang mga sumusunod para iwas sa sakit ngayong mainit ang panahon:
🌞Iwasan lumabas ng bahay mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM.
💧Laging uminom ng sapat na baso ng tubig araw-araw.
☂ Gumamit ng payong, pamaypay, o sombrero kapag lalabas.
👕Magsuot ng magaan, maluwag, at light colored na damit.
Kung nakararanas ng pagkahilo, lagnat, pangangalay, mainit at namumulang balat, o pagkawalang malay, agad na gawin ang mga sumusunod:
✅Ilipat ang pasyente sa lugar na malilim, malamig, at iwas sa tirik na araw.
✅Tumawag agad sa Emergency #911 o komunsulta sa pinakamalapit na health center.
✅Tanggalin ang mga damit na nakadadagdag sa init ng katawan.
✅Palamigin ang katawan gamit ang ice packs, pamaypay, at tubig.
Let’s beat the heat sa tulong ng mga reminders sa tag-init. 💪