30/05/2025
Retooled Community Support Program (RCSP) AT Ugnayan sa Siguradong Serbisyo Alay Pambarangay (USSAP), Bumisita sa Barangay Singi, Vinzons Camarines Norte. π΅π
Noong Mayo 29, 2025, matagumpay na naisagawa ang pagsasagawa ng Ugnayan sa Siguradong Serbisyong Alay-Pambarangay (USSAP) sa Brgy. Singi, bayan ng Vinzons, sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng Padilla-Ascutia Administration katuwang ang Department of the Interior and Local Government - Camarines Norte sa pamumuno ni Provincial Director Melody Relucio, sa pamamagitan ng Retooled Community Support Program (RCSP).
Ang RCSP ay isang pambansang inisyatibo na naglalayong mapalalim ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan, lalo na sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs). Layunin nitong kilalanin at tugunan ang mga pangunahing isyu ng mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng direktang konsultasyon, koordinasyon, at paghahatid ng mga konkretong programa at proyekto tulad ng imprastruktura, serbisyong pangkalusugan, kabuhayan, at edukasyon na nagpo-promote ng inclusive and sustainable development.
Kasabay nito, layon ng USSAP na mapabilis at mailapit ang mga serbisyong pampamahalaan sa mga barangay sa lalawigan, upang matiyak na ang bawat mamamayan ay hindi naiiwan sa pag-unlad. Sa pamamagitan ng mga mobile services, konsultasyon, at information dissemination, nahihikayat din ang partisipasyon ng komunidad tungo sa isang mas ligtas, progresibo, at mapayapang pamayanan.
Ang kolaborasyon ng RCSP at USSAP ay isang konkretong halimbawa ng whole of nation approach sa local governance isang patunay na kapag sama-sama, mas malawak ang naaabot at mas matibay ang pundasyon ng kaunlaran.
π