29/11/2023
HINDI GANON KADALI
Gaano na kayo katagal sa livegood? Kumusta ang inyong status, growing ba. remained as is...or shrinking? Are you working to make your matrix grow, or just waiting for others' spillover to fill you with people below?
Maganda ung business scheme ng Livegood, ang pangakong kikitain after 2yrs. Pero gaano man kaganda ang pangako, ang opportunity ng ganitong negosyo at ang proseso bago mo maabot ang projected income sa complete matrix ng isang unranked ay HINDI PARA SA MADALING MADISCOURAGE.
SWOT ANALYSIS (Strengths, Weaknesses, Opportunities, and Threats)
What is SWOT analysis sa livegood? Opportunity, ay yung possible gain mo pag sumali ka. Strength, yang ang combination ng gagawin mo at ng kayang ibigay ng livegood sa iyo. Ang weakness ay solely nakadepende sa attitude mo as member. Ang threats ay outside stimuli (non-member na tinatawag kang scam, mga member na pe-epal at mayayabang, kamag-anak na ayaw magtiwala sa iyo) na pwedeng makakaapekto sa standing mo sa company.
Focus tayo sa opportunity. Sabi sa definition, "opportunity is a possibility of things due to a favorable combination of circumstances". Ibig sabihin, tumutukoy ito sa POSIBILIDAD (ng anumang inaasahan mo) na magmumula sa paborableng kumbinasyon ng mga pangyayari. Naging opportunity ang livegood sa atin sa 2 pagkakataon: nung sumali tayo, at sa panahong kumikita na. Sa pagitan niyan, sa panahon ng pagkaranas ng samut-saring pangyayari, imposibleng walang nakaramdam ng panghihina kahit konti. Pero, normal yan. So, kahit nasa livegood ka na, kung hindi paborable ang nagiging karanasan mo, sa huli hindi na rin opportunity ang tingin mo sa livegood, kundi burden o kabigatan. Kaya maraming nagpapasalo, o nagbebenta ng account kasi "hindi na nila kaya". Yung iba nga, basta na lang nawawala nang walang rin paalam sa kanilang upline. Yung threat ang nangibabaw sa kanila.
Tanong...TOTOO BA TALAGANG HINDI NA NILA KAYA? Tukuyin natin, saan ba sila nahihirapan, sa P590 a month? Dahil, wala pa rin silang spillover? O dahil sa pinagsama-samang pag-aalala at takot na baka masayang ang binabayad nila, na matagal-tagal pa bago nila marananasan ang spillover... o baka naman, nakakaramdam ka ng inggit dahil bakit parang andali lang maginvite ng iba, at ang iba naman napakapalad sa spillover in just a short period of time, at meron pa kahit walang ginagawa mabilis dumami ang tao sa ilalim. Nahihirapan kang tanggapin na ikaw 7mos na wala pa rin.
NOON KAYA MO, NGAYON HINDI NA
Nung naimbita kang sumali, sa unang buwan masaya. Parang napakadaling manghikayat kasi bukod sa hindi scam ang company, may force-matrix na kahit hindi ka magka-invite, kikita ka. Feel mo kaya mong maghintay ng 2 taon, kase base sa explanation, yung magagastos in 2 years ay kulang pantapat sa maaaring tanggapin pag umabot na ng ganon katagal. In short, mas malaki ang tatanggapin mo, kesa bibitawan mo. But sad to say, waiting is not easy. 2 years is 24 months.. and 1 month is 30 days. Ibig sabihin, you’ll be waiting for 730 days bago makatanggap, kung hindi man kumpleto, at least sapat para sa monthly sustenance. Antagal maghintay... nagbabayad ka in hope may malaglag sau. Tapos mag-iinvite ka, ang masusumpungan mo mga taong nakaranas ng scam, o kaya mga nakwentuhan na masama ang mlm, etc. O kaya naman, hindi pa nai-scam yung nakausap mo kaya ok na sana...pero nang balikan mo, tumigas sa pagtanggi. Pala, dahil sa excitement ay nagshare sa isang friend nung opportunity, in hope na maisama sana niya sa livegood. Pero in the end, siya ang nakumbinse ng kaibigan na wag sumali. Kaya pagbalik mo, bigla ayaw na...saan ka lulugar? Hindi ka pwedeng magalit... hindi mo pwedeng panghawakan na nangako siya nung huli kayong mag-usap. So, despite disappointment, you need to keep your composure.
Now, isipin mo...kung sa loob lang ng 4 hanggan 8 buwan ganito palagi ang mangyayari sa iyo, na bukod sa sobrang hirap mag-imbita kahit mga sarili mong kakilala at kamag-anak ay walang tiwala sa negosyo mo, dagdag pa na hindi ka nakakatanggap kahit 1 spillover man lang .. ANO MAGIGING PAKIRAMDAM MO? Opportunity pa ba tingin mo sa livegood? Kaya sa tuwing makakakita tayo ng mga member na gusto nang magquit, at nagbebenta o nagpapasalo na ng account, wag nyong pagagalitan. May pinagdaanan yan na hindi nyo alam. Try to encourage them, without being harsh. Kung hindi nyo naranasan ang ganyan, good for you… pero wag kayong masyadong magaling. Naiinis ako sa masyadong magaling kasi hindi kayo nakakatulong. Pinagdadaanan ko rin kasi ngayon ang pinagdaanan ng mga nanghihina ang loob. Ang pagkakaiba lang, ayaw kong bumitaw.
LETTING GO OF YOUR DREAMS
Kapag ang isang member nakapagdesisyon nang bumitaw, wala na tayong magagawa diyan, malibang si coach Fernan makausap nila. Yun kasing desisyon nila to quit is not happened overnight. At minsan, mas madali ang mangumbinse sa sasali, kesa ikumbinseng manatili ang isang umaayaw na. Dahil, kung ang opportunity ay "possibility due to a favorable combination of circumstances", ang disappointment naman ay mula sa "series of unfavorable circumstances accompanied by unexpected turn of events that resulted from ineffective actions". Yung, hindi nga naging epektibo ang ginagawa mo, hindi pa naging paborable ang sitwasyon sa iyo, kaya hindi nangyari yung mga inaasahan mo nung una.
Naiintindihan nyo ba ako? Bagaman nanghihinayang tayo sa mga acct na pinapasalo or binebenta, wala naman tayong magagawa. Kahit i-encourage natin sila, kung pinanghinaan na sila ng loob, mahirap na silang sagipin… lalo pa kung spillover lang din sila sa immediate upline niya. Isa pa, totoong mahirap mag-invite. Sa una, hindi mo mararamdaman ung pagod at panghihinawa kasi, hype ka pa dun sa nalaman mo na "kikita kahit walang invite". Pero habang dumadaan ang mga araw, ang linggo, at sa paglipas ng buwan... saka mo lang mararamdaman yung hirap na pwedeng pagdaanan.
BE KIND TO OTHER MEMBERS
Kaya mapalad yung desidido, tapos may pangsustain sa monthly...na kahit hindi mag-invite kayang tumagal hanggan 5 taon. Mapalad din yung kahit walang kaya, pero desidido, at nakakagawa ng paraan para makabayad sa monthly. At pinagpala yung mga patuloy na nakakatanggap ng spillovers, at sila na malimit makakuha ng enrollee na tapat magbayad ng subscription. Kung ikaw ay kabilang sa mapalad at pinagpala, wag kang mayabang na parang IKAW ANG MAY PAGOD sa lahat ng tinatanggap mo. Dahil dito, ang bayad mo ay nagiging kabahagi ng ibinayad sa iba, at ang bayad ng iba ay magiging kabahagi ng ibabayad sa iyo. Ibinigay sa iyo, oo, pero hindi solong nanggaling sa iyo ang tinatanggap mo. Dahil kung galing sa iyo, hindi mo na sana kailangan ng tao sa ilalim mo.