
24/07/2025
🧬 Ano ang G6PD Deficiency?
Ang G6PD deficiency ay isang genetic condition kung saan kulang o mahina ang enzyme na tinatawag na Glucose-6-Phosphate Dehydrogenase sa katawan ni baby. Importanteng enzyme ito para protektahan ang red blood cells laban sa mga bagay na pwedeng magdulot ng pagkasira ng mga ito.
👉 Kapag kulang si baby sa G6PD, mas madali masira ang red blood cells niya, na pwedeng magdulot ng paninilaw, anemia, o sa malalang kaso, hemolytic crisis na pwedeng ikabuhay o ikamatay.
⸻
❗Bakit mahalagang malaman ito agad?
✅ Walang gamot ang G6PD deficiency, pero maiiwasan ang mga komplikasyon kung alam ng magulang na may G6PD si baby.
✅ Kaya napakahalaga ng Newborn Screening – kasi dito agad malalaman kung merong ganitong condition si baby, bago pa siya mapasama sa mga bagay na bawal sa kanya.
⸻
🚫 Ano ang mga kailangang iwasan kapag may G6PD si baby?
• Bawal ang ilang gamot tulad ng ilang antibiotics at pain relievers
• Iwas din sa mothballs (naphthalene) – yung mga ginagamit sa cabinet
• Bawal din ang pagkain ng fava beans (broad beans)
• Iwas din sa matapang na disinfectants o kemikal
Lahat ng ito pwedeng mag-trigger ng “hemolysis” o biglaang pagsira ng red blood cells.
⚠️ PANGKALAHATANG PAALALA:
• Natural products (halimbawa: essential oils, herbal meds, pamahid tulad ng mga ointments, liniments, v***r rubs).na hindi tiyak ang ingredients — iwasan hangga’t di sure na safe
• Over-the-counter meds na may menthol, eucalyptus, camphor — consult muna sa doktor bago gamitin
⸻
👶 Paano ito maiiwasan?
Hindi natin kayang pigilan ang pagkakaroon ng G6PD (dahil namamana ito), pero kaya nating iwasan ang mga komplikasyon kung:
🔹 Maagang na-detect sa Newborn Screening
🔹 May gabay mula sa doktor kung ano ang mga dapat iwasan
🔹 Alam ng magulang kung anong mga bawal kay baby
⸻
📌 Kaya Mommies at Daddies, ipascreen si baby!
Ang G6PD deficiency ay isa sa mga sakit na kayang maagapan basta’t maagap tayo. Hindi natin ito makikita sa labas—walang obvious na sintomas sa simula—pero pwedeng magkaroon ng seryosong epekto kung hindi matutuklasan agad.
🍼 Newborn Screening saves lives.
Isang tusok lang sa sakong ni baby, pero pwedeng magligtas ng buhay.