07/01/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: Aktibong nakibahagi ang Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) sa Mayon Response Operation 2026 bilang tugon sa kasalukuyang Alert Level 3 ng Bulkang Mayon.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang sa kahandaan, kabilang ang logistics, human resource functional teams, mental health and psychosocial support, nutrition, surveillance, health promotion and hospital services, data management, at inventory ng mga medisina.
Ayon kay Dr. Eric N. Raborar, Medical Center Chief ng BRHMC, bukas 24/7 ang operasyon ng BRHMCโHEDMU para sa anumang emergency response. Handa rin ang ospital sa pagpapatupad ng fast lane at surge plan, na may mga nakatalagang lugar, gayundin ang All-Free Policy para sa mga pasyenteng maaapektuhan.
Bilang bahagi ng internal na paghahanda, isinasagawa ng BRHMCโHEDMU ang โ9 oโclock habit,โ isang pagpupulong upang talakayin ang mga update at masusing mabantayan ang takbo ng operasyon. Nakaantabay rin ang mga response team at transport vehicles para sa agarang pagtugon sa mga emergency.
Ibinahagi rin ni Dr. Raborar ang Albay Triangle, kung saan magkatuwang na makikipag-ugnayan ang Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Hospital sa Ligao City, Dr. Lorenzo P. Ziga Memorial District Hospital sa Tabaco City, at ang Bicol Regional Hospital and Medical Center sa Daraga, Albay, upang tugunan at aksyunan ang anumang health-related concerns at response plans para sa mga komunidad na maaapektuhan.