13/10/2025
🧠✨ 𝙏𝙄𝙉𝙂𝙉𝘼𝙉: 𝙈𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝘼𝙬𝙖𝙧𝙚𝙣𝙚𝙨𝙨 𝘾𝙖𝙢𝙥𝙖𝙞𝙜𝙣 𝙨𝙖 𝙇𝙪𝙣𝙜𝙨𝙤𝙙 𝙣𝙜 𝘿𝙖𝙨𝙢𝙖𝙧𝙞ñ𝙖𝙨
Ginugunita ngayong buwan ng Oktubre ang 𝙉𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙈𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝘼𝙬𝙖𝙧𝙚𝙣𝙚𝙨𝙨 𝙈𝙤𝙣𝙩𝙝 na may temang “𝘼𝙘𝙘𝙚𝙨𝙨 𝙩𝙤 𝙎𝙚𝙧𝙫𝙞𝙘𝙚𝙨: 𝙈𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝙞𝙣 𝘾𝙖𝙩𝙖𝙨𝙩𝙧𝙤𝙥𝙝𝙚𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙀𝙢𝙚𝙧𝙜𝙚𝙣𝙘𝙞𝙚𝙨.”
Ngayong araw, kasabay ng pagsisimula ng linggo sa flag-raising ceremony, nagsagawa ang City Health Office ng isang 𝙖𝙬𝙖𝙧𝙚𝙣𝙚𝙨𝙨 𝙘𝙖𝙢𝙥𝙖𝙞𝙜𝙣 na layuning paalalahanan ang mga lider ng lungsod, department heads, city employees, at ang pangkalahatang publiko hinggil sa kahalagahan ng pagiging bukas sa usapin ng mental health. 💚
Pinangungunahan ito ni 𝘿𝙧. 𝙈𝙖𝙧𝙮 𝘼𝙣𝙣𝙚 𝘼. 𝘽𝙖𝙧𝙯𝙖𝙜𝙖, Head ng City Health Office, kasama ang mga Officer-in-Charge ng limang sangay ng CHO — sina 𝘿𝙧. 𝙀𝙪𝙣𝙞𝙘𝙚 𝘿𝙚 𝙎𝙖𝙜𝙪𝙣 (CHO I), 𝘿𝙧. 𝙈𝙞𝙣𝙚𝙧𝙫𝙖 𝘾𝙖𝙯𝙚ñ𝙖𝙨 at 𝘿𝙧. 𝘿𝙖𝙫𝙞𝙙 𝘾𝙖𝙯𝙚ñ𝙖𝙨 (CHO II), 𝘿𝙧. 𝘿𝙖𝙣𝙞𝙚𝙡 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙜𝙡𝙞𝙢𝙖 (CHO III), 𝘿𝙧. 𝙈𝙖𝙝𝙖𝙧𝙞𝙘𝙖 𝘿𝙞𝙤𝙣𝙞𝙨𝙞𝙤 (CHO IV), at 𝘿𝙧. 𝙈𝙖𝙙𝙤𝙣𝙣𝙖 𝙈𝙖𝙨𝙞𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣-𝙋𝙚𝙧𝙚𝙣 (CHO V) katuwang si Hon. Mayor Jenny Austria-Barzaga, Hon. Vice Mayor Third Barzaga at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod of Dasmariñas
🩺 Binanggit ni Dr. Barzaga na sa panahon ng mga kalamidad, trahedya, at maging sa mga personal na laban na tahimik na kinakaharap araw-araw, mahalagang mag-check-in hindi lamang sa kapwa, kundi pati na rin sa ating mga sarili.
Hinikayat din niya ang paglikha ng workplace na may kultura ng suporta at malasakit, kung saan may nakakausap, may nakikinig, at may access sa counselling.
🗣️🗣️ “𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙖𝙮𝙤 𝙣𝙖𝙜-𝙞𝙞𝙨𝙖. 𝙆𝙖𝙧𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙝𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 — 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙝𝙞𝙡𝙤𝙢 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙖𝙣𝙜𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙞𝙨𝙖,” ani Dr. Barzaga.
💚 𝙆𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜𝙖𝙞𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞; 𝙠𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜𝙖𝙞𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙥𝙬𝙖!
Sama-sama nating itaguyod ang kamalayan, pag-unawa, at pagkilos tungo sa mas malusog na kaisipan at lipunan. 🌿
Photo Credits: Mayor Jenny Barzaga and PIO Page
Health Education and Promotion Unit - DOH CHD Calabarzon