
21/01/2025
"𝙉𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙠𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙗𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙘𝙝𝙞𝙠𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙑𝙞𝙩𝙖𝙢𝙞𝙣 𝘼?"
Ang Vitamin A Supplementation ay bahagi ng Garantisadong Pambata, isang programa ng Department of Health. Ito ay ipinamimigay sa anyong likidong pinapatak na sa bibig ng mga batang edad 6-59 buwan gulang.
Ang Vitamin A ay mahalaga para sa pagsuporta ng immune system at sa malusog na paglaki at pag-unlad ng mga bata. Ang pagbibigay ng mga suplementong Vitamin A tuwing anim na buwan ay isang murang, mabilis, at epektibong paraan upang mapabuti ang antas ng Vitamin A at mabawasan ang morbidity at mortality ng mga bata.
Tunghayan pa sa infographic na ito ang kahalagahan ng Vitamin A supplements para sa mga bata.
Ang inirerekomendang dosis ay 100,000 international units (IU) o 𝙗𝙡𝙪𝙚 𝙘𝙖𝙥𝙨𝙪𝙡𝙚 para sa mga batang may edad na 6 hanggang 11 buwan, at 200,000 IU o 𝙧𝙚𝙙 𝙘𝙖𝙥𝙨𝙪𝙡𝙚 para sa mga batang may edad na 12 hanggang 59 buwan.
Ito ay 𝙡𝙞𝙗𝙧𝙚 𝙖𝙩 𝙖𝙫𝙖𝙞𝙡𝙖𝙗𝙡𝙚 sa lahat ng mga 𝙗𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙝𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝙘𝙚𝙣𝙩𝙚𝙧 sa ating lungsod.
Kaya mga mommy, papatakan na ang ating mga chikiting!
Ngayon Enero, kasabay itong ibinibigay ngayong 𝙊𝙋𝙀𝙍𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉 𝙏𝙄𝙈𝘽𝘼𝙉𝙂 𝙋𝙇𝙐𝙎 (OPT +) sa mga bata.
𝙎𝙖 𝙑𝙞𝙩𝙖𝙢𝙞𝙣 𝘼, 𝙏𝙞𝙮𝙖𝙠 𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙡𝙪𝙨𝙪𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝘼𝙩𝙞𝙣𝙜 𝘾𝙝𝙞𝙠𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜!