Dok Larry Nathurapatic HealthCare Services international

Dok Larry Nathurapatic  HealthCare Services international Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dok Larry Nathurapatic HealthCare Services international, Medical and health, Dasmariñas City cavite, Dasmariñas.

13/01/2024

Happy Birthday Doc Larry salamat sa maraming na tulungan bilang DOCTOR OF HUMANITARIAN marami kapa matutulungan na Tao Nationwide kahit Birthday Dagsa parin ang Tao Support at tiwala Sa L.A.A. thank you more Blessing and Godbless to God to be Glory 🙏🙏🙏🙏

08/12/2023
26/11/2023

Pag Gising sa Umaga, Gawin ang 6 Bagay

Health Talk With Doc Larry

Marami ang na-aksidente sa umaga. Lalo na sa bagong gising. Puwede mahilo at bumagsak dahil hindi pa ganoon ka-“gising” ang iyong katawan. Puwedeng manhid pa ang paa at wala kang balanse sa paglalakad.
Sundin itong mga payo para ligtas at malusog.
1. I-handa na ang gamit at damit para sa kinabukasan bago matulog. Para makatulog ng mahimbing.
2. Pag gising sa umaga, magpa-salamat sa Diyos. Dahil marami ang hindi na nagigising. Sabi nga, “Every gising is a blessing.”
3. Pag gising huwag tumayo agad at baka mahilo. Dahan-dahan lang. Umupo muna ng 1 minuto at mag-stretch ng leeg at balikat. Ang biglang pag-upo at paggalaw ng ulo ay puwede magdulot ng vertigo o pagkahilo. Mayroon din nag-collapse at nagdilim ang paningin sa biglang pagtayo, dahil nagkulang ng dugo sa ulo sa pagbaba ng blood pressure. Mag-ingat po.
4. Umupo sa inidoro habang umiihi, kahit sa mga lalaki. Baka antok ka pa at bigla kang bumagsak, mahilo o mag-collapse. May tinatawag na “micturition syncope” kung saan nag-collapse ang tao habang umiihi. Puwede ito mangyari.
5. Uminom ng 2 basong maligamgam na tubig bago mag-almusal. Para luminis at maihi ang dumi sa katawan. Turo ito ng Japanese water therapy.
6. Maging positibo na magiging maganda ang iyong araw. Mag-expect na may darating na biyaya sa iyo. God bless po.

26/11/2023

Indigestion o Hindi Matunawan

Health Talk With Doc Larry

Ang indigestion ang pangkalahatang tawag sa hindi komportableng pakiramdam sa sikmura. Ang indigestion ay hindi isang sakit ngunit ito ay pagpapakita ng sintomas tulad ng hindi matunawan, hirap sa pag-dighay, pagkahilo, at pagka-impatso pagkatapos kumain.

Maraming dahilan ang indigestion. Ang iba ay dahil sa kanilang lifestyle sa sobrang pagkain at iniinom na alak. Ang labis na pag-aalala, paninigarilyo, emotional trauma, mabilis na pagkain, at kondisyon gaya ng ulcer o gallstones (bato sa apdo) ay maaari ring dahilan ng indigestion.

Kung minsan ang taong may indigestion ay nakararanas din ng heartburn o pangangasim ng sikmura.

Para maiwasan ang indigestion, subukan ito:
1. Kumain ng pakonti-konti ngunit mas madalas - Kumain ng mas maraming gulay at prutas. Nguyain ang pagkain ng mabuti at dahan-dahan.
2. Iwasan ang mga “trigger foods” - Ang karaniwang nagdudulot ng indigestion ay ang matataba at maaanghang na pagkain, soft drinks, kape, pag-inom ng alak at paninigarilyo.
3. Panatilihin ang tamang timbang - Ang sobrang timbang ay naglalagay ng pressure sa iyong sikmura at maaaring maging dahilan ng stomach acid para umakyat sa lalamunan.
4. Mag-ehersisyo ng madalas - Ang pag-ehersisyo ay malaking tulong para hindi tumaba at umayos ang iyong panunaw.
5. Limitahan ang stress - Magkaroon ng sapat na tulog. Maglaan ng oras sa mga bagay na gustong gawin. Maaari rin mag-meditate o mag-yoga.
6. Suriin ang iyong mga gamot - Sumunod sa payo ng doktor kung kinakailangang inumin ang gamot. Ngunit ang gamot tulad ng aspirin at pain relievers (gamot sa kirot) ay pwedeng maka-irita at makasira sa lining ng sikmura. Kung kailangan talaga inumin ang gamot, kumain muna bago uminom ng gamot para mabawasan ang hapdi.
7. Uminom ng herbal tea na may peppermint - Mayroong mga taong nagiginhawahan sa pag-inom ng peppermint, ngunit hindi pa ito tiyak. Pwede naman subukan.
Kung hindi lamang natunawan, hindi dapat mag-alala.
Kumonsulta sa doktor kung ang indigestion ay mahigit 2 linggo, at may kasamang senyales tulad ng:
1. Pagbaba ng timbang at walang gana kumain
2. Pagsusuka
3. Maitim ang dumi
4. Jaundice, o paninilaw sa balat at mata.

26/11/2023

Nahihilo: Mga Posibleng Dahilan

Health Talk With Doc Larry

MARAMING dahilan ang pagkahilo. Kadalasan ay hindi naman delikado ito. Pag-usapan natin ang mga pangkaraniwang sanhi ng pagkahilo.
1. Problema sa mata – Kung malabo na ang iyong mata, puwede kang mahilo sa pagbabasa. Kung madalas mag-computer, nakahihilo rin. Dapat ay ipahinga ang mata at tumingin sa malayo para ma-relaks ito. Magpagawa ng salamin o dili kaya’y baguhin na ang grado ng salamin.
2. Problema sa tainga – Isa pang pangkaraniwang dahilan ng pagkahilo ay ang sakit sa tainga. Nasa tainga kasi natin ang vestibular system kung saan nagmumula ang pakiramdam natin sa balanse at pag-galaw. Kung may dumi o impeksiyon sa tainga, puwede ito magdulot ng matinding pagkahilo (vertigo). Ang gamot dito ay ang meclizine 25 mg tablets (Dizitab, Bonamine). Ang ganitong hilo ay tumatagal ng mga isang buwan bago humupa.
3. Presyon ng dugo – Kung ika’y may high blood, puwede kang mahilo at manakit ang iyong batok. Kung ikaw naman ay low blood, anemic at maputla, puwede ka rin mahilo. Dapat ang blood pressure natin ay nasa pagitan ng 140/90 ang pinakamataas at 90/60 ang pinakamababa.
4. Nerbiyos – Ang mga nerbiyosong tao ay madalas din mahilo. Kapag kinakabahan, natatakot o nakasaksi ng nakahihindik na bagay, puwede silang mahilo. Ang tawag dito ay panic attack o nerbiyos. Kailangan lang nila na magpahinga at uminom ng pampa-relax tulad ng Lexotan 1.5 mg tablet. Sa doktor lang makahihingi ng reseta nito.
5. Kulang sa oxygen – Minsan naman ay may nahihilo o nahihimatay sa isang mataong lugar tulad ng simbahan o rally. Dala ito ng matinding init at dami ng tao. Kailangan lang magpahinga, magpahangin at mawawala rin ang hilo.
Sa panghuli, mayroon ding mga pinanggagalingan ang hilo na mas seryoso. Ito ay ang istrok at tumor sa utak. Ang istrok ay may matinding pagkahilo at may kasamang panghihina ng isang parte ng katawan. Ang tumor naman sa utak ay may kasamang matinding sakit ng ulo.
Subalit huwag matakot dahil bihira lang naman ito. Kung may karagdagang katanungan, komunsulta sa doktor.

21/11/2023

Babala: Namayat kahit hindi Nag-Diyeta
Health Talk With Doc Larry

Okay lang na pumayat kung nag-diyeta ka. Pero kung pumayat ng hindi naman nag-diyeta, mag-ingat na.

Maraming mga dahilan para bumaba ang timbang. Kung mayroon kang problema sa trabaho o pamilya, maaari kang mabawasan ng timbang.

Ang dalawa pang kondisyon na maaaring maging sanhi ng pagbaba ng timbang ay diabetes at hyperthyroid. Kung ang isang tao ay hindi kayang kontrolin ang diabetes, ang labis na asukal ay hindi ina-absorb ng katawan at lumalabas ito sa ihi.

Ang hyperthyroidism ay nagiging sanhi ng mabilis na metabolismo, kaya't nagiging sanhi ng pagbaba ng timbang. Ang parehong mga kondisyon ay maaaring magamot.

Gayunpaman, kung ang isang tao ay nawalan ng 10 pounds nang hindi nag-diyeta, ito ay isang mahalagang senyales. Kahit na ang tao ay hindi nagrereklamo ng anumang sakit, dapat na suriin ang pasyente dahil sa posibleng kanser o ibang sakit.

Maraming mga kanser ang walang sintomas. Halimbawa, ang mga kanser sa tiyan, colon, atay at baga ay karaniwang hindi nagpapakita ng senyales. Bilang karagdagan, ang kanser ay maaaring makaapekto sa bata at matatanda, ngunit ito ay mas karaniwan sa mga matatandang tao.

Kaya naman, kung nabawasan ka ng timbang, Magpatingin sa iyong doktor at gagawan ng lab test. Huwag kang mag-alala. Kung sumunod ka sa isang healthy lifestyle ang mga test na ito ay marahil ay magiging normal lang.

21/11/2023

Kung POTASSIUM ay Mababa, Kailangan Uminom ng Tableta consult your doctor
Health Talk With Doc Larry

Note: Kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng potassium tablet. Ang doktor ang magbibigay ng tamang dosis at klase ng gamot kung mababa ang iyong potassium. Gabay lang itong article ko.

Ito ang payo kong siguradong makaliligtas ng buhay. Dahil ang dami nang namatay dahil sa mababang potassium. Sayang ang mga buhay na maililigtas sa pamamagitan ng pag-inom ng tableta lang. Si Doc Liza mismo, nadala sa Emergency Room dahil sa mababang potassium.

Paano Malalaman:
Simple lang po. Magpa-laboratory test ng Potassium sa dugo. Ang normal result ay mula 3.6-5.5 meq/L. Kung normal ang result mo ay wala kang gagawin.
Pero kung ang resulta mo ay mababa sa 3.6, lalo na kung mababa sa 3.2 ay delikado yan. Kung may sintomas ka ng panghihina ng mga paa, pinupulikat at abnormal na tibok ng puso, ay mas delikado pa iyan.

Solusyon:
1. Dapat na uminom ng potassium tablets. Ang mayroon ngayon ay KALIUM tablet or K-LYTE Tablet (paiba-iba ang available sa botika).
2. Iniinom ang tableta 1 beses or 2 beses kada araw. Depende iyan sa baba ng potassium. Kung palaging mababa ang potassium mo, tuloy-tuloy ang pag-inom ng potassium.
3. I-monitor bawat buwan ang potassium level sa dugo o mas madalas pa depende sa sintomas mo. Para malaman natin ang tamang dosis ng potassium tablets sa iyo.
4. Siyempre, dapat magpasuri sa doktor tulad ng Nephrologist. Tandaan: Huwag basta-basta iinom ng potassium tablet ng walang pahintulot ng doktor. Baka ma-sobrahan din.

Tanong: Pwede bang saging at prutas na lang ang pampataas ng potassium?
Sagot: HINDI po. Ayon sa tanyag na nephrologist, Dr. Elizabeth Montemayor, kung mababa na talaga ang potassium, hindi na kaya ng saging, kamatis, orange at broccoli. Pang-tulong lang ito. Pero kailangan talaga ng potassium tablets para mabilis ang pagtaas ng potassium.

Tanong: Ano ang dahilan ng mabababang potassium?
Sa Pilipinas, may tao talaga na bumababa ang potassium ng kusa. Ang pangkaraniwang dahilan ay ang labis na pagpapawis, pagtatae at pagsusuka. Marami pang ibang dahilan. Kaya mas ligtas talaga magpa-laboratory test sa potassium sa dugo.Kung POTASSIUM ay Mababa, Kailangan Uminom ng Tableta
Payo ni Doc Willie Ong

Note: Kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng potassium tablet. Ang doktor ang magbibigay ng tamang dosis at klase ng gamot kung mababa ang iyong potassium. Gabay lang itong article ko.

Ito ang payo kong siguradong makaliligtas ng buhay. Dahil ang dami nang namatay dahil sa mababang potassium. Sayang ang mga buhay na maililigtas sa pamamagitan ng pag-inom ng tableta lang. Si Doc Liza mismo, nadala sa Emergency Room dahil sa mababang potassium.

Paano Malalaman:
Simple lang po. Magpa-laboratory test ng Potassium sa dugo. Ang normal result ay mula 3.6-5.5 meq/L. Kung normal ang result mo ay wala kang gagawin.
Pero kung ang resulta mo ay mababa sa 3.6, lalo na kung mababa sa 3.2 ay delikado yan. Kung may sintomas ka ng panghihina ng mga paa, pinupulikat at abnormal na tibok ng puso, ay mas delikado pa iyan.

Solusyon:
1. Dapat na uminom ng potassium tablets. Ang mayroon ngayon ay KALIUM tablet or K-LYTE Tablet (paiba-iba ang available sa botika).
2. Iniinom ang tableta 1 beses or 2 beses kada araw. Depende iyan sa baba ng potassium. Kung palaging mababa ang potassium mo, tuloy-tuloy ang pag-inom ng potassium.
3. I-monitor bawat buwan ang potassium level sa dugo o mas madalas pa depende sa sintomas mo. Para malaman natin ang tamang dosis ng potassium tablets sa iyo.
4. Siyempre, dapat magpasuri sa doktor tulad ng Nephrologist. Tandaan: Huwag basta-basta iinom ng potassium tablet ng walang pahintulot ng doktor. Baka ma-sobrahan din.

Tanong: Pwede bang saging at prutas na lang ang pampataas ng potassium?
Sagot: HINDI po. Ayon sa tanyag na nephrologist, Dr. Elizabeth Montemayor, kung mababa na talaga ang potassium, hindi na kaya ng saging, kamatis, orange at broccoli. Pang-tulong lang ito. Pero kailangan talaga ng potassium tablets para mabilis ang pagtaas ng potassium.

Tanong: Ano ang dahilan ng mabababang potassium?
Sa Pilipinas, may tao talaga na bumababa ang potassium ng kusa. Ang pangkaraniwang dahilan ay ang labis na pagpapawis, pagtatae at pagsusuka. Marami pang ibang dahilan. Kaya mas ligtas talaga magpa-laboratory test sa potassium sa dugo.

Address

Dasmariñas City Cavite
Dasmariñas
4115

Telephone

+639953252935

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dok Larry Nathurapatic HealthCare Services international posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Dok Larry Nathurapatic HealthCare Services international:

Share