26/07/2020
Magandang Hapon po muli sa lahat, isang mahalang SAP UPDATE lang po (July 26, 2020 - 4:30 P.M.)
Bunga ng ginawang Virtual Conference ng STARPAY, DSWD FO4A at LSWDOs ngayong alas 2:00 ng hapon, ang mga sumusunod po ang bagong ipaiiral na panuntunan ng SAP 2nd Tranche PayOut >>>
1. Hindi na po kailangang magdownload ng StarPay Application at magregister o mag log-in ang ating mga SAP Beneficiaries.
2. Magpapadala po ng isang bagong text message ang StarPay sa ating mga Benes at nakalagay na po doon ang Reference No. na naka assign sa inyo
Pati na din ang remittance center at schedule Kung kilan pwede kuhain Ang inyung cash pay-out
3. Para po sa mga nauna ng nagdownload ng App, nka-level 2 na at nakatanggap na po ng Ref. No. maaari nyo na pong kuhanin ang inyong ayuda sa pinakamalapit na MLhuillier, USSC, Security Bank o China Bank at dalhin ang inyong valid ID, SAC Form at ang reference no. na natanggap
4. Para naman po sa mga hndi pa nakakapag download ng App, antayin lang po natin ang bagong ipadadalang text message ng StarPay na may nakalagay na Ref. No., kung kelan pwdeng kuhanin ang ayuda
5. Ang mauuna pong makatanggap ng mga bagong text mula sa StarPay ay ang mga nagrehistro sa Relief Agad App na ang piniling mode of payment ay Cash. Sa mga Manually Encoded at Waitlisted o Additional SAP Beneficiaries, makikiantay lang po ng aming abiso sa mga susunod na araw.
6.Tanging mga PWDs, Senior Citizens, Buntis at may karamdaman o maysakit lamang po ang papayagang may Authorized Representative (immediate family member)SA pagkuha ng payout.
7. Para sa may authorized rep. kailangan pong magdala ng katibayan kung baket hndi mkakarating ang SAP bene, tulad ng PWD/Senior Citizen ID at medical cert. or record ng buntis o may sakit na Beneficiary; authorization letter; valid id ng rep. At SAC form ng Beneficiary.
8. Kung may mga katanungan po, makipag ugnayan sa inyong Brgy. O sa OMSWD.
MARAMING SALAMAT PO...!