05/09/2025
‼️ Be Aware: Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) ‼️
Ayon sa DOH, may na-monitor na pagtaas ng HFMD cases ngayong taon, karamihan sa mga batang edad 1–3.
👉 HFMD ay madaling makahawa sa pamamagitan ng droplets at contaminated objects.
Karaniwang sintomas ay maaaring kabilang ang lagnat, singaw sa bibig, at butlig sa balat.
✅ Prevention tips sa SCHOOL:
• Regular na handwashing (20 seconds)
• Disinfection ng mga laruan at gamit
• Paghiwalay ng batang may sintomas
• Pagtuturo ng cough etiquette
✅ Prevention tips sa BAHAY:
• Ugaliin ang handwashing bago kumain at pag-uwi
• Linisin ang madalas hawakan na gamit
• Iwas sa sharing ng utensils at baso
• Panatilihing may sapat na tulog at tamang pagkain ang mga bata
• Kung may sintomas, manatili sa bahay at kumonsulta sa doktor
📌 Maagang awareness at tamang hygiene = dagdag proteksyon.
Disclaimer: Educational only. Not medical advice.