09/07/2025
𝙉𝙖𝙥𝙪𝙧𝙜𝙖 𝙣𝙖 𝙗𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙘𝙝𝙞𝙠𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜?
Mga mommies at daddies, ngayong buwan ng Hulyo ay ipinagdiriwang din natin ang 𝙉𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝘿𝙚𝙬𝙤𝙧𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙤𝙣𝙩𝙝. Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at kumonsulta sa inyong barangay health center o paaralan upang malaman kung paano makatatanggap ng libreng gamot na pampurga.
Anu-ano ang maaaring maging benepisyo ng pagpupurga?
✅ 1. 𝙈𝙖𝙨 𝙈𝙖𝙡𝙪𝙨𝙤𝙜 𝙣𝙖 𝙆𝙖𝙩𝙖𝙬𝙖𝙣
Ang mga bulate sa tiyan ay maaaring sumipsip ng sustansya mula sa pagkain. Kapag napurga, mas maraming sustansya ang napupunta sa katawan ng bata, na tumutulong sa tamang paglaki at kalusugan.
✅ 2. 𝙋𝙖𝙜-𝙞𝙬𝙖𝙨 𝙨𝙖 𝙈𝙖𝙡𝙣𝙪𝙩𝙧𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙩 𝘼𝙣𝙚𝙢𝙞𝙖
Ang ilang uri ng bulate ay maaaring magdulot ng kakulangan sa dugo (anemia) at malnutrisyon. Sa pamamagitan ng pagpapapurga, naiiwasan ang mga ito.
✅ 3. 𝙈𝙖𝙨 𝙈𝙖𝙨𝙞𝙜𝙡𝙖 𝙖𝙩 𝘼𝙠𝙩𝙞𝙗𝙤𝙣𝙜 𝙈𝙜𝙖 𝘽𝙖𝙩𝙖
Kapag wala nang bulate, mas nagiging masigla, alerto, at aktibo ang mga bata sa paaralan at sa bahay.
✅ 4. 𝙈𝙖𝙨 𝙈𝙖𝙗𝙪𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙆𝙤𝙣𝙨𝙚𝙣𝙩𝙧𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙜-𝙖𝙖𝙧𝙖𝙡
Ang mga batang walang bulate ay mas nakakatuon sa kanilang pag-aaral at mas mataas ang energy-level sa klase.
✅ 5. 𝙋𝙖𝙜-𝙞𝙬𝙖𝙨 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙜𝙠𝙖𝙡𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙄𝙢𝙥𝙚𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣
Kapag regular ang pagpapapurga sa mga bata, nababawasan din ang tsansa ng pagkalat ng bulate sa ibang miyembro ng pamilya o komunidad.
✅ 6. 𝙇𝙞𝙗𝙧𝙚 𝙖𝙩 𝙇𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨
Ang mga gamot na ibinibigay tuwing National Deworming Month ay ligtas, subok, at ibinibigay nang libre sa mga pampublikong paaralan at health centers.
Hikayatin din natin ang tamang gawi para sa kalusugan ng mga chikiting:
𝙒 – Wash hands o maghugas ng kamay nang maayos.
𝙊 – Observe proper toilet use o gumamit ng maayos at malinis na palikuran.
𝙍 – Refrain from eating uncooked food o umiwas sa pagkain ng hilaw na pagkain.
𝙈 – Mass deworming o sabayang pagpapapurga.
𝙎 – Slippers/shoes when walking in soil o magsuot ng tsinelas o sapatos kung lalakad sa lupa.
Kapag worm-free ang mga bata, worry-free rin ang mga magulang!
Makiisa sa National Deworming Month — magpapurga na!