25/02/2025
Ngayong araw, ipinamalas nating muli ang ating di nagmamaliw na pag-ibig sa Diyos at sa bayan.
Sa gitna ng pagod at maraming gawaing ating ginagampanan, sinikap nating patuloy na maging tapat sa ating pananampalataya, sa pamamagitan ng ating pagsama sa hanay ng mga mamamayang nakikibaka.
Mula Camp Bagong Diwa, patungong Department of National Defense, nagtuloy tayo sa JB Music sa Quezon City kasama ang mga makabayang lingkod-bayan, nag martsa kasama ang maraming estudyante, manggagawa, maralita, magsasaka, at ang malawak na hanay ng mamamayan, sumama tayo sa pagsalubong sa bawat isa sa EDSA Shrine at idinaos ang ating sama-samang pag gunita sa ika-39 anibersayo ng People Power Revolution sa People Power Monument -- dito natin isinigaw ang ating mga panawagan at panalangin.
Mga kapatid, patuloy tayong hinihimok na maging kaisa ng mga inaapi, binubusabos at sinisikil. Inaanyayahan tayong makialam, lumahok at tumindig para sa mga pinaka nangangailangan.
Ang ating pag-alaala ngayong araw ay isa lamang sa marami pa nating gawaing pang pananampalataya.
Magsasama-sama tayong muli sa mga susunod na pagkilos, pagsamba at pakikibaka.
Matagumpay tayo ngayong araw. At magpupunyagi pa sa mga susunod na araw.
Kaisa sa hanay ng mamamayan, ang
Kasimbayan-UTS + Kasimbayan-TK + UCCP (BAC, SLJ, NESTCON, UCC, STC) + CYF SLJ + YAP JUST + Southern Tagalog Region Ecumenical Affairs Movement (STREAM).
Ang tao, ang bayan, kasama ang simbahan,
tuloy-tuloy ang laban!
Buhay ang Diwa ng EDSA! Buhay ang Nagpupumiglas na Pananampalataya!
**𝘚𝘰𝘮𝘦 𝘱𝘩𝘰𝘵𝘰𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘢𝘬𝘦𝘯 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘚𝘰𝘶𝘵𝘩𝘦𝘳𝘯 𝘛𝘢𝘨𝘢𝘭𝘰𝘨 𝘌𝘹𝘱𝘰𝘴𝘶𝘳𝘦.