
26/06/2025
Ang buwan ng Hunyo ay inilalaan sa paggunita ng National No Smoking Month.
Ito ay taun-taon na ginugunita upang patuloy isulong ang pagbibigay kaalaman sa mga masasamang epekto na dulot ng sigarilyo at v**e.
Tandaan, ang paninigarilyo at paggamit ng v**e ay parehas lang na nakakasama sa ating kalusugan. Ito ay nagdudulot ng sari-saring mga sakit, tulad ng kanser sa bibig, baga, at sa iba pang organs ng ating katawan.
Kaya huwag gumamit at magpaloko sa v**e at sigarilyo. Ang ating katawan ay laging ingatan!
Isang paalala mula sa
PDA PUBLIC HEALTH
Oral Health Promotion Team