22/12/2025
Alinsunod sa 𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗮𝗻𝗱𝘂𝗺 𝗡𝗼. 𝟭𝟭𝟭 na nagsasaad na suspendido ang operasyon ng lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Disyembre 29, 2025 (Lunes) at Enero 2, 2026 (Biyernes), ang deadline para sa pagpapalipat ng YAKAP Clinic sa pamamagitan ng mga Local Health Insurance Office (LHIO) ay 𝗶𝗹𝗶𝗹𝗶𝗽𝗮𝘁 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟱 (𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀) 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟱 (𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀).
Narito ang mga 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗮𝗱𝗹𝗶𝗻𝗲 para sa pagpapalipat ng YAKAP Clinic:
📌 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟱 (𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀): Pagpapalipat ng YAKAP Clinic sa pamamagitan ng Local Health Insurance Office/s (LHIO)
📌 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟱 (𝗠𝗶𝘆𝗲𝗿𝗸𝘂𝗹𝗲𝘀): Pagpapalipat ng YAKAP Clinic sa pamamagitan ng PhilHealth Action Center Hotline (02) 8662-2588.