10/02/2026
Hindi mo mabibili ang peace of mind — pero pwede mo itong ihanda.
Hindi ako kumuha ng life insurance dahil agent ako.
Kumuha ako kasi anak ako, kapatid ako, at bahagi ako ng isang pamilya.
Bago pa ako maging insurance agent, alam ko na ang value nito.
Hindi dahil uso.
Hindi dahil may nagbenta.
Kundi dahil alam kong may responsibility ako.
After college, nagsimula pa lang ang career ko.
Hindi pa malaki ang sahod.
Hindi pa stable ang buhay.
Pero nagsimula na ako — maliit man ang premium, importante ay may nasimulan.
Why?
Kasi kahit nagsisimula ka pa lang,
hindi ibig sabihin wala ka pang dapat protektahan.
Life insurance is risk management.
Hindi nito pipigilan ang problema,
pero pinaghahandaan nito ang epekto ng problema.
Accidents.
Sakit.
Unexpected events.
Hindi mo kontrolado yan.
Pero kung may mangyari,
kontrolado mo kung paano maiiwan ang pamilya mo.
Parang safety net.
Parang first aid kit.
Sana hindi mo kailanganin —
pero kapag dumating ang araw na kailangan mo,
nandiyan siya para saluhin ka.
Yan ang peace of mind.
Yan ang security.
Yan ang tunay na value ng life insurance.
Kaya kung iniisip mo pa lang mag-start,
huwag mo na hintayin na “malaki na sahod ko.”
Huwag mo na hintayin na “ready na ako.”
Magsimula ka kahit maliit.
Ang mahalaga, may nasimulan.
Hindi ito pilitan.
Hindi ito sales talk.
Experience ko ito.
Desisyon mo pa rin ang buhay mo.
Pero sana, piliin mong maging handa.