19/10/2020
Iwasan ang Paghilik: Subukan Kumanta!
Payo ni Doc Willie Ong
Para maiwasan o mawala ang paghilik subukan ang mga sumusunod:
1. Magbawas ng timbang. Ang sobra sa timbang ay karaniwang dahilan ng paghilik. Ang sobrang overweight ay nagpapa-kitid sa daanan ng hangin, at ang maluwag na tissue sa likod ng iyong lalamunan ay nagpapa-vibrate habang humihinga.
2. Matulog ng nakatagilid. Ang iyong dila ay nakalaglag sa likod ng iyong lalamunan, kung ikaw ay natutulog ng nakatihaya, na nagpapakitid sa daanan ng hangin. Para maiwasan ang pagtulog ng nakatihaya, subukan magtahi sa likod ng iyong pajama ng tennis ball.
3. Gamutin ang baradong ilong. Ang allergy o deviated septum ay maaaring maglimita sa daloy ng hangin sa iyong ilong, at pwersahin kang huminga gamit ang bibig na dahilan para humilik.
4. Limitahan o iwasan ang alak. Iwasan ang pag-inom ng alak 4 na oras bago matulog. Ipaalam sa iyong doktor na ikaw ay naghihilik bago ka uminom ng gamot pampakalma (sedatives) at sleeping pills. Ang mga gamot na ito ay nagpapatulog sa iyong central nervous system, dahilan para ang iyong muscle ay sobrang ma-relax at magdulot ng paghilik.
5. Kumanta. Ang pagkanta ay maaari rin makatulong para mapabuti ang muscle control ng palate at itaas na bahagi ng iyong lalamunan. Ayon sa pag-aaral, nakababawas ng paghilik ang pagkanta at vocal exercises sa loob ng 20 minutos kada araw sa loob ng 3 buwan.
Kumonsulta sa doktor kung ang iyong paghilik ay magdulot ng hirap na paghinga sa gabi, pananakit ng ulo sa umaga, sobrang antok sa umaga, pamamaga ng lalamunan, high blood, at iregular na pagtibok ng puso.