22/01/2026
Pamamaga, init, at pamumula ay mga palatandaan ng acute inflammation.
Ibig sabihin nito, may aktibong iritasyon o pinsala sa loob ng katawan.
Sa ganitong kondisyon, hindi agad dapat minamasahe o dinidiinan ang apektadong parte.
Ang sobrang pressure o maling galaw ay pwedeng:
• magpalala ng pamamaga
• magdulot ng dagdag na sakit
• magpahaba ng recovery time
Mahalaga ang tamang assessment bago anumang therapy.
May mga pagkakataon na cold therapy, pahinga, o referral muna ang mas ligtas na hakbang bago manual treatment.
👉 Tandaan:
Hindi lahat ng sakit ay dapat galawin agad.
Ang tunay na therapy ay marunong maghintay at mag-ingat.