10/02/2026
Hello everyone π
Gusto ko lang mag-share ng isang importanteng paalala mula sa perspective ng isang doktor π©Ί
Ang medical certificate ay hindi basta simpleng papel lang. Kahit ito ay handwritten o printed, isa itong legal at official medical document πβοΈ. Ang pamemeke ng medical certificate ay isang seryosong paglabag sa batas at maaaring magresulta sa multa o pagkakakulong, ayon sa Articles 174 at 175 ng Revised Penal Code.
Sa kabila nito, may ilan pa ring tao na nagsu-sugal at gumagamit ng pekeng medical certificate para makaiwas sa tamang medical consultation. Mahalagang maintindihan na ang bayad sa medical certificate ay hindi random at hindi lang para kumita ang doktor. Ito ay base sa training, years of study, clinical judgment, at legal responsibility ng isang physician sa pag-issue ng ganitong dokumento.
Para sa mga schools at companies na tumatanggap ng medical certificates mula sa kanilang students o employees, hinihikayat po namin kayo na maglaan ng oras para i-verify kung legit ang mga ito π§. Whether handwritten or printed, ang isang valid medical certificate ay dapat mayroong:
β
Legit na clinic address
β
Working contact information
β
Tama at consistent na patient history
β
Valid PRC license number
Parehong pwedeng maging valid ang handwritten at printed medical certificatesβat pareho rin silang pwedeng ma-forge. Kaya kung may duda, best practice pa rin na i-verify sa issuing doctor o clinic π.
Maraming salamat sa pagbabasa. Sana makatulong ito sa pag-promote ng awareness, honesty, at accountability para sa lahat π