29/04/2024
๐ฝ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ต๐ ๐ซ๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐
Mahalaga ang pag-inom ng vitamins pagkatapos manganak.Ang mga babae na kapapanganak pa lang ay nangangailangan ng mabuting nutrisyon upang masuportahan ang kanilang paggaling at pagbawi ng lakas. At para sa mga ina na nagpapasuso, ang kanilang diyeta ay may direktang epekto sa kalusugan at paglaki ng kanilang sanggol.
Dapat isaalang-alang ng mga kababaihan ang pag-inom ng vitamins sa sandaling sila ay manganak. Dapat ipagpatuloy ito sa sa loob ng anim na buwan o mas matagal pa kung patuloy silang magpapasuso.
May mga partikular na vitamins ang dapat inumin mo pagkatapos manganak upang suportahan ang iyong pangangailangan. Narito ang mga vitamins na dapat mong isaalang-alang:
1. ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ ๐ซ Mahalaga ito bilang suporta sa immune system, utak, at nervous system at para mabawasan ang epekto ng postpartum depression at anxiety. Maaaring pagkunan ng ganitong bitamina ang mga pagkain ng fatty fish gaya ng salmon at tuna, ang atay, mga fortif ied daity, orange juice, at itlog. Take Fern D โVitamin D3
2. ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ12
Kailangan ito ng maayos na debelopment ng red blood cell, produksyon ng enerhiya, at tumutulong sa pagbuo ng DNA. Makukuha ang ang bitamina na ito sa mga pagkain gaya ng clams, tuna, liver, beef, at salmon. Maaari din sa mga cereals at dairy products. Mainamn din ang pag-inom ng B12 supplement. Take Fern Activ Multivitamins
3. ๐ช๐๐๐๐๐๐- Mahalaga na mapanatili mo ang sapat na antas ng calcium pagkatapos manganak. Ayon sa National Institute of Health, ang mga ina na nagpapasuso ay karaniwang nawawalan ng tatlo hanggang limang porsyento ng kanilang bone mass. Maaaring ang pagtaas ng pangangailangan ng calcium ng sanggol ay humihila ng calcium mula sa mga buto ng ina. Sa pagkuha ng sapat na calcium masisiguro mo ang mabuting kalusugan ng iyong buto, at matugunan mo rin ang pangangailangan ng calcium ng iyong sanggol. Take Milkca Calcium from Pure Cowโs Milk
4. ๐ซ๐ฏ๐จ, ๐๐๐๐๐-3 ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
-Batay sa mga pag-aaral, nakapagpapabuti ng debelopment ng utak at paningin ang pagkakaroon ng mataas na DHA sa breast milk. Maaaring makuha ito sa mga pagkain ng salmon, sardines, itlog, at dairy products. Inirerekomenda ang pag-inom ng mga nanay na bagong panganak ng DHA supplement dahil marami ang hindi nakakukuha nito sa kanilang pagkain.
5. ๐ช๐๐๐๐๐๐ Nakatutulong ito sa debelopment ng utak para sa mga baby ngunit mayroon din itong benepisyo para sa mga ina. Nagagawa nitong maging maganda ang immune system kaya mahalaga ito pagkapanganak. Sa tulong ng vitamins na ito, nagagawang i-regulate ng iyong utak ang memorya, mood, at ibang mga function nito.
6. ๐ฐ๐๐๐ Isa ang iron na nababawasan pagkapanganak at kailangang mapanumbalik. Kapag nagpapasuso, ang iron na nasa katawan ng ina ay naipapasa naman sa baby para sa pagdebelop nito at para sa function ng thyroid. Ang maaaring pagkunan nito ay red meat, atay, clams, oysters, at mga berdeng gulay. Karaniwang iminumungkahi ang pag-inom ng iron supplement.
Batay sa Penn Medicine, mahalaga ang pag-inom ng postnatal vitamins dahil naiwasan nito ang anumang suliranin o problemang pangkalusugan o nutrisyon sa ina at sa baby. Mainam din ang patuloy na pag-inom ng vitamins pagkapanganak dahil nakatutulong itong panumbalikin ang mga bitamina at mineral na nawala sa katawan ng babae sa panahon ng pagbubuntis at sa panganganak. Nagtataglay ang mga postnatal vitamin ng calcium, vitamins B at D, iodine, choline, and iba pang mahahalagang nutrisyong kailangan ng ina at ng baby.
Source
https://www.smartparenting.com.ph/.../ano-ang-vitamins...
https://hellodoctor.com.ph/.../vitamins-pagkatapos-manganak/
Pm Me now for orders and avail lifetime discounts.