24/04/2025
ROMUALDEZ NANAWAGAN NA SUPORTAHAN ANG BUONG ALYANSA
Nakiusap si House Speaker Martin Romualdez na iboto ang lahat ng senatorial aspirant mula sa “Alyansa para sa Bagong Pilipinas.”
Sa powerhouse assembly ng mga lokal at pambansang opisyal nitong Martes, Abril 22, sinabi niyang subok na ang mga kandidato ng administrasyon.
"They are our true partners. Subok na subok sila. I know each and every one of them have proven themselves. Hindi tayo mapapahiya sa taong bayan,” saad ni Romualdez.
Dagdag pa niya, “These are the right candidates. This is the future of the Philippine Senate and the Republic of the Philippines.”
“Please lang, please. Straight Alyansa. Diinan natin lahat sila, walang iwanan dito. Ito ang gusto ng ating mahal na Pangulo. They are our true partners. Subok na subok sila. I know each and everyone of them have proven themselves. Hindi tayo mapapahiya sa taumbayan. These are the right candidates. This is the future of the Philippine Senate and the Republic of the Philippines,” sabi ni Romualdez.
“These are the best candidates for the Philippine Senate, palakpakan po natin silang lahat. Pinili ito ng ating mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. They will be our partners in peace, progress, and prosperity para sa ating bayang Pilipinas. Dapat talaga diretso tayo dito sa Alyansa, no ifs and buts about it. Ito talaga ang hinihingi ko sa inyo,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Romualdez na ang tagumpay ng Alyansa ay tagumpay ng taumbayan.
“Our citizens are tired of the noise, drama, and political grandstanding. What they demand is unity, delivery, and continuity—and that’s exactly what this slate offers,” sabi nito.
“We are choosing leaders who build, not break. Leaders who legislate, not obstruct. Leaders who offer solutions, not slogans,” dagdag pa ng Speaker.
Ang mga kandidato sa pagka-senador ng Alyansa ay sina dating DILG Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Senator Pia Cayetano, Senator Lito Lapid, dating Senator Panfilo Lacson, dating Senator Manny Pacquiao, Senator Ramon B**g Revilla Jr., dating Senate President Tito Sotto III, Senate Majority Leader Francis Tolentino, House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, at House Deputy Speaker Camille Villar.
Photo Credit: Compile images from Romualdez / Alyansa para sa bagong pilipinas / google
Source: tnt news