26/09/2025
Ano ba ang obstruction? Bakit ito delikado?
Ang obstruction o pagbabara ng bituka ay delikado kasi kung mangolekta ang tae (Dahil hindi ito makalabas), pwedeng malason ang ating dugo at magkaroon ng infection o sepsis.
Ang sepsis ay pwede makapatay kasi kakalat na ang mga bacteria mula sa ating dumi papunta sa iba't ibang parte ng ating katawan gamit ang ating dugo.
Ang obstruction ay pwedeng mangyari kung mayroon bukol sa loob ng ating bituka na pinapasikip ang daanan ng pagkain/ dumi, o bukol sa labas ng ating bituka na iniipit ito.
Maari din magkaroon ng obstruciton kung may hernia, o mga peklat sa bituka (adhesions) dahil sa infection o lumang surgery.
Ano ba ang sintomas ng obstruction? Pwedeng magkaroon ng paglaki o pagbutod ng tiyan, pagsusuka, at biglang hindi na makautot o makatae.
Magpacheckup-up agad kung magkaroon ng mga sintomas ng obstruciton, para hindi pumutok ang bituka pag sobrang puno na.