
24/08/2025
โ๏ธ1 SA 5 NA NAMAMATAY NA PLHIV AY DAHIL SA TBโ๏ธ
Mas mataas ang posibilidad na magka-TB ang isang PLHIV dahil sa mahinang immune system. Kapag hindi naagapan, maaaring magdulot ito ng malubhang komplikasyon na posibleng humantong sa kamatayan.
Ang HIV at TB co-infection ay maiiwasan sa pamamagitan ng regular na TB screening, tuloy-tuloy na pag-inom ng antiretroviral therapy (ART), at paggamit ng Tuberculosis Preventive Treatment (TPT).
Ang ART at TPT ay available sa HIV Care facilities malapit sa inyo: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs. ๐ฅ