26/05/2024
Product Testimony From Diabetes and Stroke Victim..
User of Fern-C since 2003 and i-fern's Power Trio since 2012 until now..
Bismillah. Pagbati po sa lahat ng mga Muslim, "assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu" at pagbati po sa lahat ng mga hindi Muslim, "magandang araw po sa inyong lahat."
Ako po si Henry S. Bausa "Ahmad" or HSB, dating magbobote, hindi nakatapos ng pag aaral, naging construction worker at security guard.
Maraming pagsusubok ang pinagdaanan pero hindi po ako nawalan ng pangarap. Kahit po pala may pangarap ang isang tao kung hindi ayon sa iyong pangarap ang ginagawa mo ay wala ring mangyayari.
Nakilala ko ang FERN, Inc. noong October 2003 at maraming ipinaliwanag ang Speaker at wala akong masyadong naintindihan subalit ang naunawaan ko ay magiging malusog ako dahil sa Fern C at magiging milyonaryo ako.
October 18, 2003 ay nag launch ang FERN, Inc. at October 8, 2003 ay kasama na ako sa FERN, Inc. Pre operating pa lamang ay nasa FERN, Inc. na ako.
Pinaniwalaan ko ang sinabi ng Speaker at ginawa ko po ang itinuro at nagkatotoo ang lahat. Ang dating magbobote ay kumita ng malaki at nakabili ako ng maraming sasakyan!!!
Sometime in 2008 ay nagdeliver ako ng Fern C sa Amang Rodriguez Hospital sa Marikina City. May libreng blood sugar testing at nagpacheck ako ng blood sugar at doon ay lumabas na 300 ang blood sugar ko at nalaman ko na dianetic ako.
Nagmega dose ako ng Fern C, 10 capsules 3 x a day at bumaba sa 100 ang blood sugar ko at until now ay Power Trio (Fern D, Fern Activ at Milkca) ang iniinom ko at nakatulong sa diabetis ko, in shaa Allah.
Noong August 2012 ay naitatag ang I-FERN at isa po ako sa naniwala at kumita. Nakabili rin po ako ng sasakyan.
Subalit hindi kayang tapatan ng pera ang pagsusubok na nangyari sa akin, November 2018, dahil sa bata pa ako natutong magbisyo noon ay siningil ako at na stroke, in shaa Allah ay mamatay na ako pero dahil sa tulong ng Dakilang Allah (Subhanahu wa ta 'ala) at ng Power Trio (I-FERN Products-Fern D, Fern Activ at Milkca) ay nakarecover ako within 2 months.
Nabulol po ako at hindi makalakad. Nag mega dose po ako, 5 Fern D, 5 Fern Activ at 5 Milkca, 3 x a day at in 2 months time ay nakarecover po ako.
Kahit po pala milyonaryo ka kung mamatay ka ay walang magagawa ang pera at pasalamat po ako sa Dakilang Lumikha at may Power Trio na ginamit bilang instrumento upang makalakad ako at makapagsalita.
Huwag po nating hintayin na ma stroke po tayo bago tayo mag ingat at mag take ng Power Trio (Fern D 120, Fern Activ 60 at Milkca 60).
Ngayon po ay tig 2 na Fern D, Fern Activ at Milkca ang iniinom ko 3 x a day.
Noong na stroke ako ay nausal ko na kung kukunin na ako ng Dakilang Allah (Subhanahu wa ta 'ala) ay siya ang masusunod pero sa kanyang habag at awa ay bigyan niya pa ako ng panahon at magbago. Maayos ko ang ang buhay ko sa ikakabuti at magkaroon pa ng panahon sa pananampalatang Islam at makahingi ng tawad sa lahat na nagawan ko ng kasalanan at pagkukulang lalo na po sa aking mga anak at kanilang mga ina.
Muli, ay ang aking paghingi ng kapatawaran sa Dakilang Lumikha sa lahat ng aking pagkakamali at pagkakasala. Gayahin lang po ng aking mga anak ang tama kung ginawa at huwag nilang gagayahin ang mga mali kung nagawa.
Paumanhin po sa lahat na nagawan ko ng kasalanan at patawarin po ako ng Dakilang Allah (Subhanahu wa ta 'ala).
Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu at magandang araw sa inyong lahat..