05/05/2025
πΈ Para sa Aming Minamahal na mga Midwife πΈ
Hindi namin palaging nasasabi, pero sa bawat araw na dumadaan kayo ang puso ng aming birthing clinic. β€οΈ
Sa bawat pagod na duty, sa bawat madaling-araw na tawag, sa bawat inang kinakabahan na inyong pinapalakas ang loob, nandiyan kayo tahimik na gumagawa, buong pusong naglilingkod.
Alam naming hindi madali ang trabaho nβyo. May mga araw na halos wala nang tulog, may mga pagkakataong kahit sariling pamilya ninyo ay sandaling isinasantabi para lang sa ibang pamilyang nangangailangan ng gabay at kalinga.
Pero kahit ganoon, hindi kayo sumusuko. Sa halip, mas lalo kayong nagiging matatag. Mas lalo kayong nagmamalasakit.
Maraming salamat, hindi lang sa pagiging midwife kundi sa pagiging ate, nanay, kaibigan, at tagapagligtas sa oras ng pangananganak. Salamat sa inyong malasakit, sa inyong puso, at sa inyong sakripisyo na kadalasan ay hindi napapansin, pero kailanman ay hindi nalilimutan.
Mabuhay kayo, aming mga midwife. Kayo ang liwanag sa mga kwento ng bagong buhay. π
Buong puso kaming sumasaludo sa inyo.