
06/07/2025
Napakasymbolic ng waiting para sa autism community.
Wait List
Unahin na natin sa assessment ng Developmental Pediatrician. Mahirap magpaschedule, 95% nasa wait list muna kayo. It can even take years. Yes. Plural. Kasi iilan lang din ang mga DevPed sa buong Pilipinas.
Ang salitang wait list ay maririnig mo next kapag naghanap na ng therapy centers. Punong puno ang mga centers kaya mas madalas pag tumawag ka or mag email, ilalagay ka muna sa wait list.
Waiting Time
Madalas mong maririnig ang salitang “waiting time”. This pertains to our kids’ ability to wait or lack of it, to understand that there’s a structure and sequence to things.
Kids with autism are usually visual beings, it’s a struggle for them to understand concepts that are abstract such as time. It’s always about the now, hence the challenges brought by waiting.
Pero sa lahat ng waiting, ito ang pinakapaborito ko:
Ang mga magulang na nag aantay sa labas ng center.
Sa mga therapy centers, you’ll meet all sorts of parents and guardians. Iba iba. Pero lahat yan, you’ll sense the faith and desperation seeping through the silence as they wait.
Habang lahat nag aantay para sa mga anak na matapos ang therapy session, OT man o Speech o ABA o SPED, we’re also waiting for grander often daunting things.
Yung matawag na mommy at daddy.
Yung mapotty train.
Yung makihalubilo sa ibang bata.
Yung matuto magsulat.
Yung matuto magsintas.
Yung matuto mag yes at no.
Yung matuto sumagot sa WHAT, WHERE, WHO, WHEN, at higit sa lahat sa WHY.
Yung magkaron ng eye contact.
Yung magkaron ng sense of danger.
Yung matutong magmanage pag nagkakaron ng sensory overload.
Yung wag na umiyak next session.
Yung magtry nang kumain ng ibang food.
Yung hope ng mga magulang sa center? It’s such a driving force for everyone lalo na pag may nakakausap ka.
Nalalaman mo kung gaano kayo kaiba at kapareho. Kung gaano kababaw ang luha nyo, (normal na lang ata may nag iiyakan sa waiting area) kung gaano nyo gusto kumayod ng bonggaaaa dahil mahal ang therapy, at higit sa lahat, kung gaano nyo gusto manatiling malakas at buhay kasi nananalig kang darating din yung time na kakayanin ng mga bata mamuhay ng maayos, mabuti, at may dignidad, all on their own.
Dahil worth it lahat, worth it yung pagod, worth it yung puyat, worth it mag-antay, worth it sila.
Ctto