03/04/2025
https://www.facebook.com/share/p/1BmMFKH8oC/
How Not to Talk to Your Doctor (And What to Say Instead)
(a friendly guide for better healthcare conversations)
❌ (nagsend ng picture ng laboratory - walang context)
✅ “Doc, ito po yung results ng laboratory ko. Tanong ko lang po kung kelan ang availability niyo for consultation, ipapabasa ko po sana ito”
💡Hindi sapat na may lab results lang — kailangan itong i-connect sa nararamdaman ng pasyente. Kaya mahalaga pa rin ang consultation (interview at/o physical exam) para ma-interpret nang tama ang findings.
❌ “Doc, pa-reseta ng antibiotic.”
✅ “Doc, may ubo po ako. Magpapachek up po sana ako kung anong gamot ang kailangan ko"
💡Hindi lahat ng sakit ay kailangan ng antibiotic. Kung hindi bacterial ang pinanggagalingan, walang effect ang antibiotic. Tignan muna natin kung bacterial ang cause ng inyong sakit - magpa-consult for proper diagnosis and management.
❌“Doc, pa-reseta naman ng gamot sa sakit ng dibdib (or any single symptom)”
✅ “Doc, minsan sumasakit dibdib ko, magpapa-check up po sana ako”
💡Ang pag-rereseta ng gamot ay hindi lamang based sa iisang symptom. For example, ang sakit sa dibdib ay pwedeng maraming cause - GERD? Heart attack? At magka-iba ang gamot at management dyan.
💡Ang pag-reseta sa gamot ay individualized o natatangi para sa particular na pasyente. Nakadepende sa maraming factors at hindi ito basta-basta. Kailangang ng masinsinang usap sa pasyente para malaman ang maraming bagay tulad ng:
● Edad
● Kasarian
● Disposition noong oras ng konsulta
● Vital signs
● Uri ng sakit o karamdaman
● Iba pang sintomas
● Mga dati nang nainom na gamot
● Mga iniinom na gamot sa kasalukuyan
● Comorbidities o ibang sakit
● Allergies
● Physical examination
● Presyo ng gamot at kakayahan ng pasyente na bilin ito
● Availability ng gamot
❌ “Doc, pahingi ng medcert. Lagay niyo 2 days rest. Palagay nalang Migraine, tapos kahapon yung date ”
✅ “Doc, masama p**iramdam ko mula kahapon. Pwede po ba ako makahingi ng medcert kung kailangan?”
💡Ang medical certificate ay isang legal document. Kailangan muna naming ma-assess ang kalagayan niyo based sa interview and physical examination para makapag-bigay ng tama na:
- Diagnosis
- Management / Advice / Recommendation
- Days of rest
💡 Ang date ng medical certificate ay kung kelan kayo nagpa-check up.
❌ “Doc, urgent po! Reply asap!”
✅ “Doc, sorry to bother po. May concern lang ako (write concern), kung kailan po kayo available, okay lang kahit di agad.”
💡 Doctors want to help, pero hindi kami available 24/7. Hindi din lahat ng doctor ay tumatanggap ng online consultation. Respectful messages go a long way.
💡Kung emergency ang inyong concern, pumunta na agad sa emergency room para ma-assess agad.
❌ "Doc.."..
"Pwede magtanong?" ..
✅ "Good morning doc, tanong ko lang po (insert concern here). Thank you doc."
💡Kapag may context ang message (Anong tanong? Tungkol saan?) mas mabilis at maayos kaming makakasagot.
Hindi din lahat ng doctor ay open for online consultation so check your doctor's consultation availability first.
❌ “Doc, p**i reseta nga ng gamot na iniinom ng kapitbahay ko, effective daw eh.”
✅ “Doc, may narinig po akong gamot na iniinom ng kakilala ko para sa ganito. Pwede po ba ako magtanong kung bagay din siya sa akin?”
💡 Iba-iba ang katawan at kalagayan ng tao. Hindi porket effective sa iba, safe na rin sa’yo.
💡Para mabigyan ng tamang gamot, kailangan ng full consultation para makausap kayo nang maayos at mabigyan ng gamot at management na nararapat para sa inyo.
❌ (nagsend ng picture ng rash/signs/symptom - walang context)
✅ “Doc, pwede po ba makuha ang schedule niyo for consultation? May napansin po kasi akong rash, ipapacheck up ko po sana” (send picture for reference)
💡Hindi sapat ang isang picture para mag-diagnose at makapagbigay ng reseta. Kinakailangan ng full consultation para mabigyan ng tamang diagnosis at gamot.
❌ "Doc, pahingi naman ng lab request, yung para sa lahat na, tsaka na ko magpapa-consult pag may result na"
✅ "Doc, gusto ko sana malaman anong mga test ang kailangan ko gawin, kelan po pwede magpa-consult sa inyo?"
💡 Ang lab request ay hindi basta-basta na parang checklist.
Iba-iba ang tests na kailangan depende sa edad, sintomas, history ng sakit, lifestyle, at goals (halimbawa: annual check-up vs. may nararamdamang kakaiba).
Mas safe, mas sulit, at mas accurate ang lab tests kung may consultation muna para malaman kung alin ang kailangan talaga — at hindi lang "lahat na."
❤️ Tandaan: Mas nagiging epektibo ang gamutan kung open at malinaw ang usapan sa pagitan ng pasyente at doktor.
Salamat po! 😊