08/11/2025
Kwento sa gitna ng paghahanda sa Typhoon UWAN
Maagap na lumikas si KAREN (Hindi tunay na pangalan) mula sa brgy Ibona patungo sa RHU , alam niya na ang mga kabuwanan na ay dapat sa RHU magsstay at bukod doon nakakaramdam na siya ng kaunting pagsakit ng tiyan.
Sa kanyang pagdating,inassess siya ng mga health workers at napagalaman na siya pala ay kabilang sa HIGH RISK na pregnant at hindi pwedeng manganak dito sa RHU, tumataas ang kanyang BP at kailangang sa hospital siya dalin.
Sa pagaasikaso ng mga health workers sa kanya, napagalaman na noong 2 bwan palang ang kanyang tiyan ay nagsimula na siyang magpacheck up sa PJG dahil delikado nga ang kanyang pagbubuntis.
Sa kasalukuyan ay nasa PJG na si Karen, isa itong maagap na hakbang upang mailigtas silang magina sa delikadong sitwasyon, lalo na at nahaharap tayo sa malakas na bagyo.
Isa itong kwento ng responsableng pagbubuntis, sinusunod ang mga alintuntunin na sinasabi ng kanyang midwife at maagap na lumilikas.
SANA PO GAYAHIN NATIN ANG KWENTO NI KAREN.