Alyas Ermitanyo - Abra Chapter

Alyas Ermitanyo - Abra Chapter Ermitanyo, Erbularyo, Agimatero, Monghe Dagitay Mamati iti espiritwal a pinagagas, umay kayon agpakita, agpaagas. Kontaken ti cp # ko 09361211693.

Ang mga Uri ng DuwendeKaramihan ng mga duwende ay mga SINUNGALING. Kaya hindi dapat agad nagtitiwala dito kahit na may o...
18/11/2021

Ang mga Uri ng Duwende

Karamihan ng mga duwende ay mga SINUNGALING. Kaya hindi dapat agad nagtitiwala dito kahit na may orasyon pa kayo. Huwag din basta uusal ng orasyon na galing sa kanila kung ang mga ito ay hindi kailangan. Kontra din sa paniniwala na ang mga ito ay mahilig sa sigarilyo at alak ay ang mga ito ay mas napapakiusapan sa pagaalay ng manok. Ang mga ito ay nalulusaw sa asin at ang mga nanggugulo ay hindi natatagalan na marinig ang mga pangalan ng Diyos Ama.

Duwendeng Itim:

Kontra sa paniniwala ng marami na ito ay nakasuot ng itim ay ang itsura ng mga duwendeng itim ay mahahalintulad sa mga taong grasa.. Nakakatawa pero totoo. Sila ay mukang madudumi, punit punit ang suot na para bang gawa sa telang itim. Sila ay nakayapak lamang at mayroong amoy na parang nabubulok. Ang mga ito ay kampon ng mga diablo at ubod ng sinungaling. Hindi dapat nagtitiwala agad at huwag na huwag agad tatanggap ng kung ano mang bagay mula sakanila. Mahirap kausapin at nanlilinlang na magpatikim ng kanin na itim upang ang iyong katawan o iyong kaluluwa ay kanilang maging alila.

Duwendeng P**a:

Neutral ang mga duwendeng p**a. Mayroong mga mababait at mayroon naman mga ubod ng sama. Hindi dapat agad nagtitiwala dahil karamihan ay mga sinungaling. Sila ay tagapagturo ng mga orasyon at mahilig sa alay na manok. Strikto sa pagtuturo ng orasyon, hindi ka patutulugin hanggat hindi mo naisasaulo ang mga orasyon na naituro. Nagbibigay ng agimat. Madaling tawagin pero mahirap paalisin. Kapag ikaw ay nagustuhan ay lagi silang nagpapakita at sumusunod saan ka man magpunta. Nagpapatikim din ng kanin na itim na hindi mo dapat kainin.

Duwendeng Berde:

Ang mga ito ay mababait ngunit mahirap pakiusapan. Sila ay mahilig magpakita sa bata dahil ang mga ito ay natutuwa sa mga paslit. Alam nila ang mga mangyayari sa hinaharap at alam din ang mga lumalabas na numero sa sugal(jueteng, lotto), ngunit galit na galit sa mga ganitong bagay(sugal). Nagbibigay ng bulaklak sa palad na makapang-aakit sa sinumang babae. Nagtuturo ng kinalalagyan ng kayamanan kapalit ng alay. Nagtuturo ng gamit ng mga halaman at orasyon para sa kalikasan. Kapag sila ay tinawag gamit ang orasyon, sila ay nagpapakita ngunit nakaupo lamang at hindi ka kakausapin. Hindi rin titingin sa iyo at parang walang naririnig. Kumbaga medyo bastusin. Kaya kapag ito ay tatawagin at kkonsultahin ay gagamit kayo ng bata para kausapin ito. Pero magiingat dahil kapag natipohan ang bata ay maari ito maging delikado sa bata at baka isama pa sa kanilang daigdig.

Duwendeng Puti:

Alagad ng Diyos. Malumanay magsalita at hindi gumaganti kapag inalipusta ng kapwa duwende. Nakapanggagamot ng pinakamalakas na barang ngunit namimili lamang sa kanyang tuturuan at pagpapakitaan. Tagapagturo ng mga orasyon at nagbbendesyon ng mga agimat para sa bilis, hindi makikita, lakas, at iba pa. Nagbibigay din ng bulaklak sa palad na makapang-aakit sa sinumang matipohan. Kapag hindi ka nagustuhan ay hindi na ulit magpapakita sa iyo.

Huwag tumawag ng ibat ibang nilalang sa loob ng iisang linggo lamang. At importante na tandaan ang kanilang pangalan at huwag na huwag gagawa ng kasunduan kahit na napakasimple lamang.

17/11/2021

BAKA MAY SINTOMAS KANA NG KULAM HINDI MO PA ALAM, BASAHIN ITO PARA MALAMAN KUNG KINUKULAM KAN BA..

ANO NGA BA ANG KULAM, SINTOMAS AT EPEKTO NITO?

NARANASAN MO NA BA ANG MAKULAM? O ISA KA SA MGA NAKULAM NGUNIT HINDI MO ALAM?
BASAHIN NG MAIGI ANG AKING IBABAHAGI UPANG MAKAKASIGURO NA KAYO NGA AY LIGTAS SA MGA MANGKUKULAM SA PANAHONG ITO.

• Ang iyong pagtulog ay balisa, laging na iistorbo. Hindi ka mapagkatulog at laging nagigising ng alanganing oras.

• Madaling mapagod at kinukulangan ang lakas upang mabuhay ng maayos sa araw-araw na gawain.

• Mayroon kang kinatakutan na hindi maintindihin kung sino o ano.

• Nawaawalan ng interes sa buhay.

• Nawawalan ng pag –asa.

• Ikaw ay madaling mapagalit kahit walang dahilan.

•Nakakaramdam ng sakit sa puso o parang inaatake pero pag napa- consulta sa mga medical doctors ay walang makumpirmang karamdaman.

• Nakakaramdam ng matinding depression.

• Pagkatuyo ng labi o bibig sa gabi na parang nauuhaw parati.

• Madaling tumaba minsan naman madaling pumayat.

• Bigla-biglang nagkakaroon ng panginginig at pangingilabot sa buong katawan.

• Parang humihigpit o sumisikip ang mga ilang bahagi ng katawan at kalamnan.

• Nagiging lutang ang pag-iisip biglang naging malilimutin at nararanasan ang paghina ng memorya.

• Ang mga payo at pangitain na dapat dumaan sa iyong panaginip ay hinaharang, Kaya wala kang
maala-alang panaginip tuwing gumigising.

• Ang iyong mga propesyonal na karera o trabaho ay na-aapektuhan laging wala sa kondisyon o gana.

• Hindi makatwiran para sa iyo ang pag-uugali ng mga tao kaya laging may nakakaaway.
• Minamalas, mahirap kumita ng pera nawawalan ng paraan mag- isip kumita.

Maraming mga sintomas ang maaaring makita sa taong kinukulam ang lahat ng ito ay depende sa estado ng conciousness ng isang biktima at ang mga uri ng masamang Espiritu na umi- impluwensiya sa kanya na nakaka-apekto sa biktima.

Mga sumusunod na palatandaang may aktibidad ng kulam o may masamang ispiritung nakikielam sa isang tao.

• Nanaginip ka ng patay na taong hindi mo kakilala at nananaginip ka ng kakila-kilabot na mga hitsura ng tao na gusto kang patayin habang ikaw ay natutulog at nananaginip kaya para kang hindi makahinga at binabangungot.

• Madalas kang managinip ng mga ahas at ng mga maruruming lugar na may kasamang umaalingasaw na mabahong amoy.

• Biglang magigising sa takot mula sa malalim na pagkakatulog na hinahabol ang paghinga.

• Nananaginip na bumabagsak mula sa isang napakataas na pinanggalingan.

• Nananaginip ng mga ahas, alakdan at malalaking maitim na gagamba.

• Nakakakita ng maiitim na parang tuldok o usok na lumulutang sa iyung kapaligiran lalo na pag matutulog pa lamang o pag kagising.

• Lumalaki ang iyong tiyan tulad ng isang buntis na babae ang itaas ng iyung pusod ay parang sumisikip at kung ito’y hihipuin para bang may bolang matigas na nasa loob ng tiyan.

• Paninikip at mabigat na pakiramdam lalo na sa may balikat at dibdib.

• Matinding kagutuman sa mga biktima lalo na kung nasasaniban o nabaunan na ang iyong katawan.

• Palaging sumasakit ang ulo.

• Minsan ay nangingitim ang kulay ng iyung balat.

• Pangangati, parang may pumapaso at tumutusok sa iba't-ibang bahagi ng katawan.

• Sa mga malubhang kaso ng salamangka o pangkukulam na meron talagang gustong pumatay sa iyo, makakakita kang masasamang pangitain.

Mga aksidenteng karumal-dumal, mga patayan sa iyung harapan maging hayop o tao ito. Nasa gitna ka na ng cross over ng pagkabuhay at malapit nang mahigup sa kamatayan.

Huling yugto ng biktimang kinukulam at sinasaniban ng masamang ispiritu na mahirap ng iligtas at kakaunti na lang ang oras para mabuhay o mananatili sa mahirap na kalagayan.

• Kanser sa ibat –ibang parte ng katawan lalo sa dugo pag ito’y contaminated na.

• pag-urong, pag liit o hindi na pag gana ng atay at pantog.

• Sobrang hindi maipaliwanag na panghihina.

• Gumagamit na ng ibat ibang droga.

• Inaatake na sa puso.

• Mga gamot na nirereseta ay hindi na gumagana na pinagtatakhan ng mga medical practitioner: na nagreresulta sa mga doktor na gumamit ng mas malakas na gamot .

• Nagtataka ng magpakamatay o laging nag iisip ng kanyang ikakamamatay.

Karagdagang mga sintomas ng nakukulam o may nakikielam na masamang ispiritu na
nauukol sa mga babae lamang;

• Gasgas marka sa paligid ng hita o maselang bahagi ng katawan.

• Madalas managinip na may gumagahasa sa kanyang mga masasamang ispiritu at ito’y parang totoong totoo.

• Pangangati sa maseselang bahagi ng katawan.

• Paghinto ng buwanang menstruation, nagiging irregular ang menstruation minsan ay napakasakit at minsan may napakaitim na dugong lumalabas.

• Hindi mabuntis buntis dahil may ibinira o ibinaong kulam sa kanyang fallopian tubes kaya ma buntis man nagreresulta lang ito ng pagkalaglag ng sanggol. Kaya nananatiling baog habang buhay.

• Hindi matagalan ang pagbubuntis na nagreresulta sa pagkamatay niya o ng sanggol.

• Hindi maipaliwanag na convulsions.

At kung anu-ano pa ang mga pangit na nararamdaman na di mo maipaliwanag.

Kung magkagayon, Punta na kayo sa akin at gagamutin ko kayo sa Pangalan ng Dios na kataas-taasan. Sa Dios ang Kapurihan!!!

Message lang po kayo dito... PAX

Dirección

Dolores

Página web

Notificaciones

Sé el primero en enterarse y déjanos enviarle un correo electrónico cuando Alyas Ermitanyo - Abra Chapter publique noticias y promociones. Su dirección de correo electrónico no se utilizará para ningún otro fin, y puede darse de baja en cualquier momento.

Contacto El Consultorio

Enviar un mensaje a Alyas Ermitanyo - Abra Chapter:

Compartir