
22/02/2024
Pare, good news...
Received a call from a friend/policyholder of AIA Philippines (Philamlife) informing me na nasa 70K pala yung muntik na nilang binalewalang benefit.
Kuwento ko lang, about 5 months ago, inumpisahan kong ayusin ang pag claim sa maturity benefit ni Client, na unang sinabi, hayaan na lang baka kasi wala naman nang makukuha kasi nakapag loan sila dati, saka yung unang agent na nag-ayos, sumuko na din.. ako naman na makulit, try lang natin, wala naman mawawala.. Yun pala, ang daming kailangan ayusin, mali yung year of birth, bumata ng 2 years kaya kailangan ng birth certificate, na may problema din..
To make the story short, after so many emails at pag-aayos ng mga dokumento, pagbayad ng additional premium dahil sa age adjustment, etc.. etc.. naayos din after ilang months.
Dagdag ko lang, hindi po ako ang Orig na ahente, service lang..
At yun nga, nung dumating yung text, suspense pa din kasi hindi man sinasabi kung magkano :) ..pagdating sa BPI, ayun, nasa 70K pala