El Nido Community Hospital

El Nido Community Hospital El Nido Community Hospital is a DOH-Licensed Infirmary-Level Hospital

πŸ“£ Our X-ray or Radiologic Services are currently not available.

We apologize for the inconvenience. Thank you for your understanding! - June 2025

30/12/2025

π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—›π—¬ π—˜π—”π—§π—œπ—‘π—š π—§π—›π—œπ—¦ π—‘π—˜π—ͺ π—¬π—˜π—”π—₯ 𝗛𝗔𝗑𝗗𝗔𝗔𝗑!

- Kumain ng tama at sa tamang dami.
- Magdagdag ng mas maraming prutas at gulay.
- Uminom ng maraming tubig.
- Iwasan ang matatamis, maalat, at matatabang pagkain.






πŸ“’ PABATID SA LAHATIto po ang ating Outpatient Department (OPD) schedule na nakalaan para sa mga susunod na araw:Disyembr...
23/12/2025

πŸ“’ PABATID SA LAHAT

Ito po ang ating Outpatient Department (OPD) schedule na nakalaan para sa mga susunod na araw:

Disyembre 24 - Closed (Bisperas ng Pasko)
Disyembre 25 - Closed (Araw ng Pasko)
Disyembre 26 - OPEN (Registration sa umaga 8-11am, Registration sa hapon 1-3pm)
Disyembre 29 - Closed (Work suspension)
Disyembre 30 - Closed (Rizal Day)
Disyembre 31 - Closed (Bisperas ng Bagong Taon)
Enero 1 - Closed (Bagong Taon)
Enero 2 - Closed (Work suspension)

πŸ“Ang OPD ay muling magbubukas sa karaniwan nitong schedule sa Enero 5, 2026, Lunes
πŸ“Ang OPD Schedule ay mula Lunes hanggang Biyernes (maliban sa araw ng holiday o work suspension)
πŸ“Registration time sa umaga: 8-11am
πŸ“Registration time sa hapon: 1-3pm

🚨 ANG "EMERGENCY SERVICES" (EMERGENCY ROOM) AY MANANATILING BUKAS 24/7 PARA SA MGA PASYENTENG NANGANGAILAN NG AGARANG SERBISYONG MEDIKAL!

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa!
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat!

πŸ“’ PABATID SA LAHATPansamantalang sarado ang Outpatient Department (OPD) sa Lunes, Disyembre 8, 2025 para sa paggunita ng...
05/12/2025

πŸ“’ PABATID SA LAHAT

Pansamantalang sarado ang Outpatient Department (OPD) sa Lunes, Disyembre 8, 2025 para sa paggunita ng "Feast of the Immaculate Conception of Mary" (Special Non Working Holiday)

Ang OPD ay muling magbubukas sa Disyembre 9, 2025, Martes

🚨 Ang "Emergency Services" (Emergency Room) ay mananatiling bukas 24/7 para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang serbisyong medikal.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa!

WE ARE HIRING πŸ“£πŸ“£πŸ“£JOIN OUR TEAM πŸ’ͺ πŸ’ͺ πŸ’ͺ πŸ₯ EL NIDO COMMUNITY HOSPITAL is need of(1) Clinical Physician (1) Pharmacist (1) Ac...
04/12/2025

WE ARE HIRING πŸ“£πŸ“£πŸ“£

JOIN OUR TEAM πŸ’ͺ πŸ’ͺ πŸ’ͺ

πŸ₯ EL NIDO COMMUNITY HOSPITAL is need of

(1) Clinical Physician
(1) Pharmacist
(1) Accounting Support Specialist
(1) Engineer/Facility Maintenance Support Specialist I
(1) Nursing Aide I
(1) Driver I
(1) Building Groundkeeper I

Qualified applicants may submit their application personally to our El Nido Community Hospital HR office ,Sitio Makinit, Brgy. PasadeΓ±a El Nido,Palawan or via email at enchhrmo@gmail.com / elnidocommunityhospital2020@gmail.com on or before December 12, 2025.

Incomplete requirements will not be shortlisted.

🧑πŸ₯ MAGKAISA TAYO PARA SA ISANG VAW-FREE COMMUNITY! ​Ang El Nido Community Hospital ay buong-pusong nakikiisa sa buong ba...
25/11/2025

🧑πŸ₯ MAGKAISA TAYO PARA SA ISANG VAW-FREE COMMUNITY!

​Ang El Nido Community Hospital ay buong-pusong nakikiisa sa buong bansa para sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12!

​Ang karahasan laban sa kababaihan at kabataan ay isang seryosong isyu sa kalusugan ng publiko at karapatang pantao. Bilang isang ospital na nakatuon sa kapakanan ng buong komunidad, tumitindig kami upang tiyakin na ang ating lugar ay maging isang ligtas at magalang na espasyo para sa lahat.

​Ang kampanya na ito ay may temang,
"UNiTEd for a VAW-free Philippines."

​Magtulungan tayo upang makagawa ng isang komunidad kung saan bawat babae at bata ay nabubuhay nang may dignidad, kaligtasan, at kapayapaan! βœ…οΈ

​

πŸ‡΅πŸ‡­ PAGPAPATUPAD NG MEDICAL MISSION AT HEALTH ASSESSMENT PARA SA MGA EVACUEES NG BARANGAY VILLA PAZ, EL NIDO πŸ₯Ayon sa dir...
24/11/2025

πŸ‡΅πŸ‡­ PAGPAPATUPAD NG MEDICAL MISSION AT HEALTH ASSESSMENT PARA SA MGA EVACUEES NG BARANGAY VILLA PAZ, EL NIDO πŸ₯

Ayon sa direktiba ng Office of the Governor, Provincial Health Office at ng Hospital Development and Management Program (HDMP) Office, matagumpay na naisagawa ng El Nido Community Hospital ang pagbisita at pagsuri sa kalusugan ng ating mga kababayan na nasa Evacuation Center dulot ng mga nakaraang mga bagyo. Bumisita ang ENCH Medical Team sa Barangay Villa Paz noong Nobyembre 16, 2025.

Ang inisyatibang ito ay naglalayong tiyakin na mananatiling matatag at ligtas sa anumang sakit ang kalusugan ng mga residente.

Ito ang mga naitala:
πŸ“Bilang ng mga pasyente nagpakonsulta: 86
πŸ“Mga serbisyong naibigay: Libreng konsultasyong medikal at pamamahagi ng libreng gamot

Maraming salamat po sa mga opisyal at local volunteers ng Barangay Villa Paz sa inyong pakikipagtulungan at sa mga mamamayan ng Barangay Villa Paz sa inyong mabuting pagtanggap!

β€œAng kalusugan ng bawat isa ay aming pangunahing prayoridad”

Isang Matagumpay na Medical Mission sa Barangay Mabini, El Nido! πŸ‡΅πŸ‡­Ikinagagalak ng El Nido Community Hospital na ibahagi...
21/11/2025

Isang Matagumpay na Medical Mission sa Barangay Mabini, El Nido! πŸ‡΅πŸ‡­

Ikinagagalak ng El Nido Community Hospital na ibahagi ang tagumpay ng ating Medical Mission na isinagawa noong Lunes, Oktubre 27, 2025, sa Mabini, El Nido, Palawan!

Maraming salamat sa mga opisyal ng Barangay Mabini at lokal na volunteers sa inyong pakikipagtulungan upang maging maayos at organisado ang naganap na Medical Mission.

Lubos kaming nagpapasalamat sa aming dedikadong grupo ng mga doktor, nars, at volunteers na walang sawang nagtrabaho upang magbigay ng libreng konsultasyong medikal, pangunahing gamutan, laboratoryo at medisina para sa mga residente ng Barangay Mabini.

Ang misyong ito ay bahagi ng aming layunin na ilapit ang pangangalagang pangkalusugan sa bawat sulok ng El Nido.

Maraming Salamat muli, Barangay Mabini!

17/11/2025
15/11/2025

π—§π—”π—š-π—¨π—Ÿπ—”π—‘ 𝗑𝗔 𝗑𝗔𝗠𝗔𝗑!

Dala nito ang iba't ibang sakit na mapanganib sa ating kalusugan.
W - Waterborne Diseases na nakukuha kapag umiinom ng maruming tubig.
I - Influenza-like Illnesses o trangkaso, na nagdudulot ng lagnat, ubo, at pananakit ng katawan.
L - Leptospirosis na nakukuha sa ihi ng infected na hayop gaya ng daga na madalas ay nasa baha.
D - Dengue na nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes aegypti.

PAALALA: Bukas ang Telekonsulta Hotline 1555 (Press 2) para sa mabilis na konsultasyon.





14/11/2025

πŸ“’ INFORMATION REGARDING VALID IDs
(IN RELATION TO PREVIOUS POST)

Ang valid ID ay hinihingi kung gusto ninyo mag-avail ng financial assistance. Ang panuntunan na ito ay hindi ekslusibo lamang sa El Nido Community Hospital, ito ay isinasagawa kahit saan mang ospital sa Pilipinas. Ito ay patunay na ang MAIFIP o pondo ay ginamit sa pasyente at ito ay isinusumite ng mga ospital sa Department of Health (DOH).

πŸ“Mas makakatulong din ang pagkakaroon ng valid ID upang makuha ng agaran ang mga detalye ng mga pasyente. (Sa halip na isa isahin nating idikta ang pangalan, edad, birthday at address, kung ikaw ay may valid ID, maaari itong i-presinta o ipakita na lamang)

πŸ“HINDI hinihingi ang Valid ID BAGO magbigay ng emergency treatment. Ang emergency treatment ay maaaring ibigay kahit pa walang detalye ang pasyente.

πŸ“Ang BIRTH CERTIFICATE ay isang dokumento ng pagkakakilanlan. Ang pagrehistro ng pagkapanganak ay isang LEGAL requirement sa Pilipinas.

πŸ“Ang MARRIAGE CONTRACT ay kung ikaw ay benepisyaryo (beneficiary) ng iyong asawa sa ilalim ng PhilHealth

Pakibasa pong mabuti ang mga naka-post. Kung ito ay hindi naintindihan, marapat lamang na tayo ay magtanong.

Maraming salamat po!

πŸ“£ PABATID SA LAHATPARA SA PAG-AVAIL NG FINANCIAL ASSISTANCE (For availment of Financial Assistance):Kapag pupunta sa osp...
13/11/2025

πŸ“£ PABATID SA LAHAT

PARA SA PAG-AVAIL NG FINANCIAL ASSISTANCE (For availment of Financial Assistance):

Kapag pupunta sa ospital para sa check-up, admission, o anumang serbisyong medikal, huwag kalimutang dalhin ang mga mahalagang dokumento, lalo na ang:

βœ… 1 Updated Valid ID - Halimbawa: Driver’s license, Passport, PhilHealth ID, atbp.
βœ… PhilHealth ID / Number - Kung mag-aavail ng PhilHealth Konsulta o PhilHealth Services
βœ… Birth Certificate - para sa mga pasyenteng 17 y/o at pababa
βœ… Marriage Contract - para sa ER at admitted kung kasal (*Kung beneficiary mo sa PhilHealth ang iyong asawa)

πŸ“Siguraduhin na ang mga dokumento gaya ng valid ID ay updated at hindi expired

πŸ“Ang pagdadala ng mga dokumentong ito ay makatutulong upang mas mapabilis at maging maayos ang inyong transaksyon sa ospital.

πŸ“Maaaring magpunta sa Social Services Department sa Hospital Lobby para sa mga karagdagang impormasyon at mga katanungan.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pang-unawa! πŸ’™

πŸ“’πŸ“’ ITO AY PARA SA PAG-AVAIL NG FINANCIAL ASSISTANCE πŸ“’πŸ“’

β€”β€”β€”β€”-
πŸ“£ PUBLIC ADVISORY

FOR AVAILMENT OF FINANCIAL ASSISTANCE:

When visiting the hospital for check-up, admission, or any medical service, please remember to bring the important documents, especially the following:

βœ… 1 Updated Valid ID – Examples: Driver’s License, Passport, PhilHealth ID, etc.
βœ… PhilHealth ID / Number – For those availing of PhilHealth Konsulta or any PhilHealth services
βœ… Birth Certificate – For patients 17 years old and below
βœ… Marriage Contract – For ER and admitted patients who are married (*If your spouse is listed as your PhilHealth beneficiary)

πŸ“ Please ensure that your valid ID and other documents are updated and not expired.
πŸ“ Bringing these documents will help speed up and streamline your hospital transactions.
πŸ“ You may visit the Social Services Department at the Hospital Lobby for more information and inquiries.

Thank you very much for your cooperation and understanding! πŸ’™

πŸ“’πŸ“’ THIS IS FOR THE AVAILMENT OF FINANCIAL ASSISTANCE πŸ“’πŸ“’

Address

Brgy. PasadeΓ±a
El Nido
5313

Telephone

+639158374260

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when El Nido Community Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to El Nido Community Hospital:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram