Our health. Our safety. Our right to live free from fear. Gender-based violence is a public health emergency— Speak up. Show up. Demand change.
05/07/2025
Ladies, did you know that smoking doesn’t just hurt your lungs — it can also damage your chances of having a baby?
Paano kanyo?
Una, Ang paninigarilyo ay nagpapabilis ng pagkawala ng mga itlog (egg cells) sa obaryo. Women are born with all the eggs they’ll ever have — at mas mabilis itong nauubos dahil sa paninigarilyo.
Bumababa ang tinatawag na OVARIAN RESERVE, ibig sabihin ay kaunti na lang ang natitirang itlog at maaaring hindi na rin maganda ang kalidad. Mas nagiging mahirap ang pagbubuntis — kahit pa gumamit ng fertility treatments like IVF.
Maaari rin itong magdulot ng maagang menopause — minsan, ilang taon nang mas maaga kaysa sa normal.
Plus, naapektuhan rin ang mga tubo( Fallopian tubes), which in the future, can affect fertility and worse; a risk for an ECTOPIC Pregnancy.
And the risks don’t stop there. Ang paninigarilyo habang buntis ay nagpapataas ng posibilidad ng pagkalaglag at iba pang komplikasyon.
The Good news? Ang pagtigil sa paninigarilyo ay makakatulong para mapangalagaan ang iyong fertility — and your future family. Hindi pa huli ang lahat para magbago.
Sabi nga eh, “Do something today that your future self will thank you for.”
📸ctto
02/07/2025
📣 JULY CLINIC SCHEDULE
02/07/2025
Isang Bihira Pero Malubhang Komplikasyon sa Pagbubuntis.
Minsan, habang buntis, kung may matinding pagdurugo sa loob ng matres (madalas dahil sa kondisyon na tinatawag na ABRUPTIO PLACENTA), puwedeng tumagas ang dugo papasok sa mga kalamnan ng matres. Ang bihirang kundisyong ito ay tinatawag na Couvelaire uterus.
Sa madaling salita:
Parang nabugbog o namasa ang matres sa loob dahil sa labis na dugo. Hindi ito nakikita sa labas, pero maaari itong maging delikado para kay nanay at sa baby.
Usually, nakikita sya during Emergency CS procedure, katulad ng nasa picture.
Pinakamadalas itong nangyayari kapag may malalang, maagang paghiwalay ng inunan (placenta) mula sa matres bago pa manganak.
This is an Obstetrical emergency.
In our case, mayroong First & Second delay.
Kaya, sadly, baby did not make it. Si Mommy naman; Anemic, bagsak na ang platelets… papunta na sa DIC kung hindi pa sila pumunta ng Hospital. Buti na lang tumigas pa ang matres sa mga gamot. Nasalinan 2x beses ng dugo. She eventually got discharged, improved.
Again,HINDI po NORMAL ang palaging pagtigas ng matres, yung tipong hindi na humihinto ang pag hilab PLUS mahina ang galaw ni Baby.
Pumunta po agad sa Tertiary Hospital na may kakayanan gumawa ng Emergency CS ( kung kinakailangan).
01/07/2025
Women in Perimenopause.
Andaming nangyayari sa katawan; and with that comes a new mindset…
25/06/2025
📣 NO CLINIC on June 26 to 28.
Clinic will resume on Monday, June 30 @ MOMS BMC.
Be the first to know and let us send you an email when Snippets of OBGYN Life posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.
Hi There! I am a Fellow of the Philippine Obstetric and Gynecology Society and a Fellow of Philippine Society of Ultrasound in Obstetrics and Gynecology trained in Bicol Medical Center and UP - Philippine General Hospital, respectively.
Welcome to our virtual community.
This is where you will find beautiful photos, inspirational messages, delightful videos, and very useful tips to have a healthy pregnancy and healthy babies; and women’s health in general.
Feel free to interact with other women through the comment section. You may also send us your baby’s photo or any Pregnancy/Breastfeeding/Parenthood/ Women’s health experience and we will publish it in our FB page.