05/05/2025
🎉 MAKASAYSAYANG TAGUMPAY! 🇵🇭
Ang Pilipinas ay may bagong batas laban sa sandatang kemikal: Republic Act No. 12174 – Chemical Weapons Prohibition Act 🧪
🧾 Ano ang Ibig Sabihin ng "Chemical Weapons Prohibition Act" para sa mga Pilipino?
(Republic Act No. 12174 – Nilagdaan noong Abril 15, 2025)
❌ Ipinagbabawal ang paggawa, pagbuo, pagtatago (stockpiling), at paggamit ng mga sandatang kemikal sa Pilipinas.
🧪 Babantayan at reregulahin ang ilang kemikal na maaaring gamitin sa paggawa ng sandatang kemikal — kahit na may legal o medikal na gamit ang mga ito.
⚖️ May karampatang parusa para sa sinumang lalabag — lalo na sa mga gagamit ng nakalalasong kemikal bilang sandata.
🌏 Pagtupad sa ating obligasyon bilang kasapi ng Chemical Weapons Convention (CWC), na layuning alisin ang ganitong uri ng armas sa buong mundo.
🧬 Proteksyon para sa kalusugan ng publiko — siguraduhin na ligtas ang paggamit ng kemikal sa mga industriya, ospital, at laboratoryo.
👮♀️ May mga ahensya ng gobyerno na naatasang magpatupad at magbantay ng batas na ito — kabilang ang inspeksyon, pag-uulat, at agarang aksyon kung may banta.
📢 Bakit Mahalaga Ito?
Pinapalakas nito ang seguridad ng bansa laban sa mga sandatang kemikal, pinoprotektahan ang kalusugan ng mamamayan, at isinusulong ang kapayapaan sa buong mundo.
📄 Basahin ang buong teksto ng batas dito:https://lawphil.net/statutes/repacts/ra2025/pdf/ra_12174_2025.pdf