![[MGA LARAWAN]Ang Gapan City Health Office, LGU Gapan City sa Pangunguna ni Mayor Joy Pascual - Gapan City at ni VM Max P...](https://img3.findhealthclinics.com/602/412/122265268076024129.jpg)
18/09/2025
[MGA LARAWAN]
Ang Gapan City Health Office, LGU Gapan City sa Pangunguna ni Mayor Joy Pascual - Gapan City at ni VM Max Pascual - Gapan City, Barangay Sto. Cristo Norte sa pangunguna ni Kapitan Danilo Mariano, mga Konsehal at Barangay Health Workers, katuwang ang Department of Health ay Nagsagawa ng Pangalawang PuroKalusugan sa Barangay Sto. Cristo Norte, September 18, 2025.
Ang PuroKalusugan or PK ay program sa ilalim ng 8 Point Action Agenda ng DOH na layunin at palawigin at palakasin ang direktang Serbisyong Pangkalusugan sa bawat purok o sitio sa isang komunidad.
“Bringing the Health Care closer to the Community.”
Naipamahagi ang serbsiyong pangkalusugan tulad ng Pagbabakuna (Immunization), Family Planning Counselling, Checkup para sa mga nanay na buntis man o hindi at kanilang mga anak (Maternal & Child Care), pagbibigay aral at impormasyon ukol sa Nutrition, Water Sanitation at Road Safety, konsultayon para sa lifestyle disease tulad ng Hypertension at Diabetes, screening at testing para Tubeculosis at HIV, at Cancer Screening.
Kasama din ang Yakap Caravan ng Philhealth para ibigay ang tuloy-tuloy na serbisyo sa Registration at Updates para sa kanila New at Existing Members.
Tuloy-tuloy na dekalibreng serbisyong pangkalusugan sa bawat Batang Gapan.