
30/10/2023
Madalas ko po itong marinig sa mga pasyente: Dok, bakit tumataas pa rin ang blood sugar ko kahit umiiwas naman ako sa lahat ng matatamis? Kailangan pong balikan ang konsepto ng carbohydrates (carbs for short). Puwede po kasing hindi matamis ang pagkain tulad ng kanin pero nagiging asukal sa dugo pag tinunaw ng katawan.
Lagi pong tinatanong ang tungkol sa low carb. Pero importante po kasi ang TYPE ng carbohydrate na kakainin, at hindi lang kung gaano karami ito. Basahin po sa link ang impormasyon tungkol sa carbs.
https://diabetes.org/food-nutrition/understanding-carbs/get-to-know-carbs
May Netflix ba kayo (not an advertisement ha)? Panoorin po ninyo yung “Live to 100: Secrets of the Blue Zones.” Ang blue zones ay ang mga lugar sa mundo na maraming tao na mahaba ang buhay. Pinakita po doon ang mga kinakain ng mga matatanda. Kumakain po sila ng carbohydrates. Pero pansinin po ninyo kung anong klaseng carbs ang kanilang kinakain, mga COMPLEX carbohydrates po. Buksan po ang link na nilagay ko sa taas mula sa American Diabetes Association, para malaman kung ano ang ibig sabihin ng complex carbohydrates.