10/03/2026
Prevention is better than cure๐จโโ๏ธ
Donโt wait for symptomsโget your health check-up today ๐ฉบ๐ฉป
For appointment DM our page ๐
๐ฃ Marso: Colorectal Cancer Awareness Month
Ang buwan ng Marso ay ginugunita bilang Colorectal Cancer Awareness Month upang palakasin ang kaalaman ng publiko tungkol sa pag-iwas, maagang pagtuklas, at tamang paggamot sa colorectal cancer.
Ang colorectal cancer ay uri ng kanser na nabubuo sa colon o re**um at kadalasang nagsisimula bilang maliit na polyp na maaaring maging cancer sa paglipas ng panahon.
Sa Pilipinas, ito ay kabilang sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay dahil sa cancer at mas karaniwang nakikita sa mga taong edad 50 pataas.
โ ๏ธ Mga posibleng sintomas:
โข Pagbabago sa pagdumi (diarrhea o constipation)
โข Dugo sa dumi
โข Pananakit ng tiyan
โข Biglaang pagbaba ng timbang
โข Panghihina o anemia
โ
Paano makaiwas?
โข Kumain ng masustansya at mayaman sa fiber
โข Mag-ehersisyo at panatilihin ang tamang timbang
โข Iwasan ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak
โข Magpatingin sa doktor at magpasuri kung kinakailangan, lalo na kung edad 50 pataas
Tandaan: Ang maagang pagtuklas ng colorectal cancer ay makakatulong upang mas madaling magamot at makaligtas ang buhay.