29/12/2023
7 NATURAL DOCTORS
1. Dr. Water - Napaka importante po ng tubig sa ating katawan, 70% po ng ating katawan ay compose of water. Kailangan po na nakakainom tayo atleast 8-10 glasses of water para hindi po tayo madaling madapuan ng sakit. Kapag hindi po tayo nakakainom ng tubig ay nagiging dahilan po ng pagiging acidic ng ating katawan at paglapot ng ating dugo. Pero mayroon po tayong dapat tandan na hindi po lahat ay maaring uminom ng 8-10 glasses ng tubig at may limit lang po na 1 liter to 1.5-liter dahil maari pong malunod ang mga organs kapag nasobrahan po sa pag inom ng tubig at ito po ay ang mga sakit tulad ng:
a. Chronic Kidney Disease
b. Rheumatic Heart Disease
c. Pleural Effusion
d. Pericardial Effusion
e. Liver Cirrhosis
f. Ascites (Abdominal/Pelvic)
2. Dr. Sunshine- Kailangan po natin ma-expose sa araw or need po natin magpaaraw atleast 10-15minutes kada araw, 2 beses araw-araw simula pagkasikat ng araw or 6am ng umaga hanggang 2pm ng hapon dahil ang araw po ang may tanging natural source ng Vitamin D at nakakatulong po na patibayin ang ating resistensya, buto at palakasin ang baga. Ngunit bawal po na magpa araw ang may sakit na LUPUS dahil ang kanilang balat po ay sensitive sa radiation.
3. Dr. Exercise - Napakahalaga po ng ehersisyo sa ating katawan. Ang simpleng paglakad or stretching ay isa ng ehersisyo dahil pinagpapawisan tayo at nilalabas natin ang mga toxins sa katawan sa pamamagitan ng pawis. Hindi na po natin kailangan ng extreme exercise, yung kaya lang po ng ating katawan tulad ng jogging or Zumba. Maari din pong isabay ang Dr. Exercise habang nagpapaaraw tayo. Nakakatulong ito para sa ating blood circulation.
4. Dr. Air - Ang hangin ay isa sa pinakamahalaga sa loob ng ating katawan dahil sila po ang nag su-supply ng nutrients sa ating mga dugo. Maari po tayong mag deep breathing exercise para ma-exercise ang ating puso at baga. Maaring gawin ang deep breathing exercise pagka gising, bago kumain at bago matulog. 10-15 times deep breathing. 3 seconds inhale, 6 seconds’ exhale. Gawin po natin ang deep breathing sa labas, park, sa may puno’t halaman, tabing dagat o sa kwartong walang nakabukas na aircon.
5. Dr. Sleep - Malaki po ang maitutulong ng kumpletong tulog sa ating kagalingan dahil dito po nagkakaroon ng cell repair. Kailangan po nakakatulog tayo atleast 6-8 hours, kung kaya po na makatulog ng 10pm to 4am dahil dito po nagkakaroon ng cell regeneration. Dito rin po nag re-recharge ang ating brain at nagre-release ng important natural hormone na tinatawag na melatonin.
6. Dr. Diet - Kailangan po na balance diet ang ating kinakain sa araw araw dahil sa mga nutrients at proteins na need ng ating katawan na makukuha sa mga pagkain. Iwasan po ang pagkain ng mga processed or instant foods. Maari po nating isama sa ating diet ang mga fermented foods. Iwasan na din ang pagkain ng white rice, white flour or white sugar. Mataas po kasi ang sugar content ng mga ito. Hindi na po allowed ang heavy meal sa gabi, dapat po light meal na lang.
AVOID OR LESSEN THE INTAKE OF THE FOLLOWING:
Fatty & Oily Food
Sweets from refined sugar and MSG
Processed & canned products
Junk food/ chemically-treated food
Excessive intake of dairy products
Caffeine from choco, tea, cola & coffee
Alcoholic drinks/ smoking
Salty food
Acidic Food
Carbonated drinks/soda
Fish without scales (kaliskis) – applicable for diabetic only
Fruits with sap/resin(dagta) – applicable for patient with respiratory problem only
Nuts & beans
Fishy (malansa) such as: Patis, Bagoong, Hipon, Pusit, Alimango/ Alimasag, Talangka, Itlog at Manok
7. Dr. Energy - (Happy Thoughts & Positive Thinking) - Ito po ay kailangan ng ating katawan. Ang pagiging masiyahin ay malaki ang maitutulong dahil tumataas po ang energy natin sa katawan. Kailangan po na iwasan ang pag iisip ng negatibo o hindi makakatulong, bawasan o alisin ang stress, anxiety, depression o sobrang pag iisip. Kung ano po ang iniisip natin, maaring yun po ang makuha ng ating katawan.