19/07/2024
Available: NEWBORN SCREENING
Ano ang Newborn Screening?
Ang newborn screening (NBS) ay isang simpleng pamamaraan upang malaman kung ang sanggol ay may congenital disorder na maaring
maging sanhi ng mental retardation o maagang pagkamatay.
Ano ang EXPANDED NEWBORN SCREENING (ENBS)?
Ang ENBS ay pinalawak na programa ng newborn screening na makapagsusuri ng mas maraming sakit mula anim (6) hanggang sa mahigit 28.
Bakit mahalaga ang ENBS?
Karamihan sa mga sanggol na may congenital disorders ay mukhang normal pagkapanganak. Sa pamamagitan ng ENBS, ang mga kondisyong ito ay maaring malaman na bago pa lumabas ang mga sintomas. Dahil dito, mabibigyan kaagad ng karampatang lunas upang maiwasan ang menatal retardation o maagang pagkamatay.