
14/11/2024
Maligayang kaarawan Nicole Maria Tan!🥳
Isang pagbati mula sa Campus Medics Family! Nais lamang namin gamitin ang pagkakataon na ito na magpasalamat sa iyong dedikasyon at serbisyo para sa Campus Medics, ang iyong pasensya sa bawat isa na miyembro ng Campus Medics ay isang patunay kung gaano mo kamahal ang iyong serbisyo. Ang mithiin mong maging ligtas ang bawat isa sa loob ng paaralan at magbigay responda sa bawat estudyanteng nangangailangan ay isang buhay na patunay sa iyong tapat na serbisyo nawa'y ipagpatuloy mo ang pagiging isang inspirasyon sa iyong junior medics!
Hiling namin na bigyan kapa ng mas mahabang buhay at mas mahabang pasensya para sa iyong junior medics😔. Muli, isang maligaya at mapagpalang kaarawan, Ms. Treasurer!