20/11/2025
Si sir ay dating naaksidente sa motor at na-dislocate ang elbow niya noon. Naibalik naman agad pero mula noon, may mga galaw pa rin na biglang masakit sa bandang elbow. Kahit matagal na ang injury, on-and-off pa rin ang kirot — lalo na pag may twist o biglang buhat.
Nung tinignan namin, wala namang muscle spasm sa upper arm at forearm, pero meron sa may bandang wrist — at ‘yan ang posibleng nagbibigay ng referred pain papunta sa elbow.
Yung mismong elbow joint niya ay medyo restricted ang movement dahil sa old injury scars, kaya sa ilang angle masakit pa rin.
After ng session, sinabi ni sir na may malinaw na changes agad — gumaan at nabawasan yung kirot. Kailangan pa ng ilang follow-up sessions para ma-restore ang normal mobility ng elbow at wrist, pero good sign na agad yung first session na may improvement.
✔️ Old elbow dislocation
✔️ Wrist tightness → possible cause ng referred pain
✔️ Joint restriction
✔️ May improvement after 1 session
Step-by-step process lang bro para fully bumalik ang ginhawa.