15/10/2024
Alam mo, noong nagsimula ako mag-manage ng social media ads, isang bagay talaga ang napansin ko—ad creatives ang laging game-changer. Hindi lang ito basta-basta graphics o videos. Kapag tama ang creative mo, parang magic! Nagiging mas engaged ang mga tao, at napapansin nila agad yung brand o produkto mo.
Paano nga ba nakakatulong ang ad creatives sa pagdami ng followers at benta?
Ganito yan, isipin mo na lang, kung nag-scroll ka sa feed mo tapos may nakita kang ad na plain at walang dating, scroll down mo lang 'yan diba? Pero kung yung ad ay creative at captivating, yung tipong wow factor agad—mapapahinto ka, titignan mo pa. Yun mismo ang power ng ad creatives.
1. Catchy Visuals = Attention Grabber Yung mga mata ng tao, attracted talaga sa magagandang visuals. Pag ang ad mo ay visually appealing, parang inaanyayahan mo silang tumigil at makinig. Lalo na ngayon, ang daming clutter sa social media—pag may unique and engaging creative ka, tatatak agad yan sa isip nila.
2. Storytelling Sells Hindi lang basta-basta visual, dapat may kwento rin. Kaya kapag gumagawa ako ng ads, sinisigurado kong may kwentong konektado sa audience. Halimbawa, kung nagbebenta ka ng skincare, pwede mong ipakita sa creative yung journey ng isang taong nag-struggle with acne tapos gumamit ng product mo. Parang makaka-relate agad sila, tapos mapapaisip sila, "Uy, ako rin 'yan ah. Baka effective sa akin."
3. Consistency Leads to Trust Kapag consistent yung branding mo sa mga ad creatives—yung colors, fonts, style—nagiging familiar sa mga tao. Yung familiarity na yun, nagbibigay ng tiwala. Kaya kapag paulit-ulit nilang nakikita yung creatives na pare-pareho ang vibe, mas naiisip nila na legit yung brand mo.
4. Call-to-Action = Follower Growth & Sales Simple lang pero super effective ang call-to-action sa creatives. Minsan, pag maganda yung ad mo at may malinaw na instruction like “Follow us for more updates” o kaya “Shop now and get 20% off,” mas madali silang mag-follow or bumili. Lalo na kung yung CTA mo ay aligned sa needs nila, talagang engaged sila.
5. Shareable Content = Organic Growth Kapag sobrang interesting o nakakaaliw yung ad creatives, may tendency na isha-share ng mga tao. Kaya yung engagement, organic growth din ang resulta. Ang dami kong nakita na ads na dahil lang sa sobrang ganda ng creative, viral agad. Syempre, more shares = more exposure, tapos more followers and eventually, sales!
Kaya kung gusto mo talagang dumami ang followers at benta, importante na hindi lang basta mag-ads ka. Dapat strategic ka sa ad creatives—engaging, relatable, at consistent. Kasi at the end of the day, hindi lang numbers ang habol natin. Gusto natin yung real engagement na magtuturn into loyal followers and customers.
Sa totoo lang, yun ang sekreto ko sa pag-grow ng brand. Simulan mo sa solid ad creatives, and watch how your followers and sales grow!