18/08/2025
Addressing these publicly for everyone's benefit (para hindi ko na po kayo isa-isang sagutin sa messenger):
1. Receipts/Service Invoice
And resibo/service invoice po ay available sa lahat ng clinic, makukuha nyo po ito sa aming secretary/receptionist.
Kahit po kulitin nyo ako sa messenger nang gabi o tuwing weekend, na kailangan nyo na agad ang resibo, dahil nalimutan nyong kumuha, wala po akong magagawa ang resibo ay iniiwan sa bawat clinic, hindi ko po inuuwi sa bahay.
Hindi nyo po kailangang magpaalam sa akin.
Hindi nyo po kailangan magpalipas ng ilang araw bago kumuha, readily available po sya immediately after nyo magpacheck-up.
Ang resibo/service invoice po are magkakaiba bawat clinic, so kung saang clinic po kayo nagpacheck-up doon po kayo kukuha ng resibo. Hindi po talaga kayo bibigyan ng resibo sa isang clinic kung hindi naman po kayo duon nagpacheck-up, huwag nyo pong awayin ang aming secretary.
"Bakit iba-iba pa ang resibo eh ikaw din naman yung duktor?"
Tanung ko din po yan, pero sumusunod lamang po kami sa palakad ng BIR.
2. Medical Record
Ang inyo pong medical record ay considered po na legal document. Therefore, hindi nyo po pwedeng kuhanin ang inyong medical record mula sa clinic para dalhin sa ibang clinic, or kung kayo po ay lilipat sa ibang lugar o sa ibang duktor. Pwede po akong magbigay ng referral/endorsement letter pero hindi nyo po pwedeng ipa-"xerox" ang mismong medical chart/medical record Ninyo.
3. Medical Certificate
Hindi po ako nagiissue ng Medical Certificate online, lahat po ng aking MedCert at iniissue sa physical clinic. Kung mapapansin nyo po may nakasulat po sa aking MedCert na "Not Valid Without a Dry Seal", ito po ay para maiwasan ang pang-duduktor ng mga MedCert.
Ang medical certificate at lahat po ng papers na kailangan ninyo after manganak/makunan/maoperahan kagaya ng fit-to-work at SSS claims ay papipirmahan nyo po sa inyong duktor. Kung hindi po ako ang nagpa-anak/nagopera sa inyo, hindi po kayo sa akin magpapapirma ng inyong mga papel.
4. Online Consultation
Pansamantala pong hindi muna ako tumatanggap ng online consultation dahil sa sobrang puno po talaga ang aking schedule wala po talaga akong extrang oras sa ngayon. Kung kayo po ay kasalukuyan ko nang pasyente bukas naman po ang messenger ng clinic para sa inyong mga katanungan.
5. Messenger
Ang messenger po ng clinic ay available 24 oras, pero, ang online clinic po ay bukas lamang muna 9am-5pm, after po ng oras na ito wala na pong nagmomonitor sa page kaya mabagal na po talagang sumagot, or hindi na po talaga makakasagot. Kayo po ay sasagutin naman sa susunod na oras kung kailan bukas ang online clinic. Sarado din po ang online clinic pag Sabado at Linggo, kayo po ay masasagot pagdating ng Lunes. Para sa mga emergency or urgent na concern ito po ay sinasagot ng mas mabilis kahit sa mga oras na sarado ang online clinic. Kung ang inyo pong tanung ay hindi naman emergency or urgent, kayo po ay sasagutin sa susunod na clinic day.
6. Appointment Schedule
Ang lahat po ng aking clinic ay nasa first-come-first-serve basis. Kahit po kayo ay naka appointment sa araw na iyon kung may mas maaga pong dumating kesa sa inyo, mauuna pa din po silang macheck-up kahit po sila ay nag-walk-in lamang.
Tanging ClinicPal Medical and Diagnostic Clinic at The Whealth MD lamang po ang aking clinic na strictly by appointment. Ang ibang mga clinic po at tumatanggap na ng walk-in patients.
Nawa ay malinaw po sa lahat. Maraming salamat po.
Send a message to learn more