06/09/2021
TIGNAN: Binigyang linaw ng Kagawaran ng Kalusugan ang kumakalat na post na nagsasabing hindi mabisa o epektibo ang RT-PCR test sa pagtukoy ng SARS-CoV-2 base sa mga spike protein mula sa sample ng isang indibidwal. Ang RT-PCR tests ay nananatiling gold standard sa pagtukoy kung positbo ang tao sa COVID-19. Binigyang diin din ng DOH na ang mga healthcare workers o professionals sa mga laboratoryo ay may sapat na kaalaman at sanay upang tiyakin ang kalidad ng mga resulta mula sa naturang test.
The Department reminds the public to always verify information found online only with legitimate sources. Maging BIDA, alamin ang tamang impormasyon!