29/12/2025
Limitahan ang paggamit ng gadgets lalo na sa mga bata.
⚠️For awareness-Hindi lahat ng Seizure ay pangingisay‼️
Case. 8 years old na batang babae, hindi maitaas ang isang bahagi ng kamay, ang isang mata ay nakapikit ang talukap. Walang lagnat, walang ubo o sipon.
Kwento ng nanay niya 2 weeks bago nangyari eto bigla na lang nangisay pero saglit lang at nawala din. Kilala niya kung sino ang nasa bahay, alam niya pangalan niya.
First time lang daw na nagseizrue at hindi na naulit pa. Pero may isang araw parang tulala ang bata, nakatingin sa malayo na parang walang naririnig hindi pumipikit o sumasagot kapag tinatawag ang pangalan niya.
May time din na ang mata ay parang naduduling din.
Dahil nga bakasyon ng mga bata, tutok o babad sa bahay ang bata sa Tv at gadgets.
Eto ay isang Focal Seizure na tinatawag.
⚠️Ano ang focal seizure?
-nangyayari kapag ang abnormal na electrical activity ay nagsisimula at nananatili sa isang partikular na bahagi ng utak, na maaaring magdulot ng sensory changes, involuntary movements (automatisms), o pagkawala ng malay.
⚠️Ano ang sintomas?
-tingling, jerking movements
-pagkawalan ng malay
-hand at eye deviation
⚠️Ano ang sanhi?
-Tumor sa utak
-Trauma o nahulog, aksidente
-stroke
-epileptic seizure
-genetic disorder
-brain infection
⚠️Paano malalaman?
-Kailangan agad mairefer sa NeuroPedia
-magawa ang EEG, MRI at CT scan sa ulo
⚠️Ano ang gamot?
-Antiepileptic na gamot: Ang mga gamot na ito ay epektibo sa pamamagitan ng pagpapababa sa aktibidad ng utak.
-iwasan ang panunuod ng gadgets o TV
-magkaroon ng sapat na tulog
-iwasan ang stress
-pag iwas sa mga head injuries
-sapat at nutritious na pagkain
⚠️Dok maari ba magcaused ng seizure ang panunuod ng gadgets sa mga bata?
-No. Pero pwede makapagpa trigger ng seizure, sa panood ng TV or gadgets nagkakaroon ng sensory changes lalo sa mga bata:
POTENTIAL TRIGGERS ay
✅photosensitivity
-flashing, blinking lights
-rapid scene transitions sa mga videos, video games
✅kulang sa tulog o hindi sapat
-Excessive screen time, especially before bedtime, can disrupt sleep patterns and suppress melatonin secretion. Sleep deprivation is a widely recognized and significant trigger for all types of epileptic seizures.
Kung may napansin na kakaiba sa inyong anak, maigi macheck agad eto ng inyong doktor para sa agarang gamutan.
Paalala!‼️LIMITAHAN lang ang paggamit ng gadgets ng mga bata
0-1 year old no gadgets talaga, mas okay na kinakausap sila at naglalaro. Kung hindi kaya BALANCE dapat.
Dr.Mitch V. Mendoza
*photo from GMA news.