23/11/2023
Iwasan ang pagkakaroon ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) sa pamamagitan ng pag-iwas sa sigarilyo, v**e, at heated to***co products (HTP).
Ang sigarilyo, v**e, at HTP ay may masamang dulot sa iyong kalusugan. Sa paggamit ng mga produktong ito, maari kang magkaroon ng C.O.P.D. Ito ay sakit kung saan ang daluyan ng hangin sa iyong katawan ay nagbabara at nagdudulot ng sakit at problema sa paghinga.
Ang madalas na sanhi ng C.O.P.D. ay dahil sa long-term exposure sa usok ng sigarilyo, v**e, at HTP. Bukod pa rito, maari din magkaron ng sakit sa puso, kanser sa baga, at iba pang sakit ang mga taong may C.O.P.D.
Quit your bisyo now. Tumawag sa 1550 (DOH Substance Abuse Helpline) o sa 1558 (DOH quitline).
Sa bisyo, walang panalo!