13/04/2025
Mga pahinundum tikang han DOH-EVCHD yana nga Semana Santa โ๏ธ
๐ผ๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐๐ฝ๐๐๐พ
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Public Advisory No. 2025-014 | April 13, 2025
Ngayong Semana Santa mariing pinapaalalahanan ng Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) ang publiko na gawing makabuluhan, ligtas, at malusog ang paggunita ng taunang tradisyon na ito.
Upang matiyak ang mapayapa na pagninilay at ligtas na pag-obserba ng ating mga nakaugaliang gawain gaya ng prusisyon, senakulo, Visita Iglesia, at iba pa, mahalagang isaisip na bukod sa pagkain ng tama, pag-inom ng maraming tubig, regular na pag-ehersisyo, at sapat na pahinga, mainam na sundin din ang mga sumusunod na paalala:
๐ญ. ๐ ๐ฎ๐ด ๐ฑ๐ผ๐ฏ๐น๐ฒ-๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐. Iwasan ang matagal na pagkakabilad sa araw upang makaiwas sa heat stroke at iba pang heat-related illnesses. Kung maaari, isagawa ang mga outdoor na gawain nang mas maaga o sa dulo ng hapon. Gumamit ng sombrero o payong at magsuot ng magagaan at maluluwag na damit tuwing lalabas.
๐ฎ. ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ต๐๐ฑ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป. Ugaliing magdala at uminom ng maraming tubig lalo na kapag dumadalo sa mga tradisyong gaya ng prusisyon, Visita Iglesia, at iba pa, upang maiwasan ang dehydration.
๐ฏ. ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด-๐ถ๐ป๐ถ๐. Mag-ingat sa sore eyes, bungang araw, uboโt sipon, sakit sa balat, at mga sakit na dulot ng mga lamok gaya ng dengue. Kung may sintomas, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center.
๐ฐ. ๐ฃ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ป๐ฑ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ถ๐ป๐ถ๐บ๐๐บ ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐ฆ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ (๐ ๐ฃ๐๐ฆ). Magsuot ng face mask kapag kinakailangan, ugaliin ang paghuhugas ng kamay, at iwasan ang matataong lugar lalo na kung may nararamdamang sintomas ng anumang sakit upang makaiwas sa mga nakakahawang sakit tulad ng Influenza at iba pang respiratory illnesses.
๐ฑ. ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฒ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ป๐๐๐ฎ.. Iwasan ang anumang Gawain na maaring magdulot ng pinsala sa sarili.
๐ฒ. ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฏ๐๐๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ฐ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐. Kung magtutungo sa dagat, ilog, o swimming pool, tiyakin na may sapat na gabay at bantay ang mga bata sa lahat ng oras upang maiwasan ang aksidente tulad ng pagkalunod.
Sa panahon ng pagninilay-nilay, huwag kalimutang alagaan ang pangangatawan. Maging mapanuri at sundin ang mga abiso mula sa DOH, PNP, Local Government Units, at iba pang kinauukulang ahensya upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng bawat pamilya.