Hermosa Lying-In and Health Center

Hermosa Lying-In and Health Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Hermosa Lying-In and Health Center, Hermosa.

π—˜π— π—˜π—₯π—šπ—˜π—‘π—–π—¬ π—₯π—˜π—¦π—£π—’π—‘π—¦π—˜ π—§π—˜π—”π— July 25, 2025 – Hermosa, BataanPatuloy ang pagtugon ng ating Municipal Health Office sa pangangai...
25/07/2025

π—˜π— π—˜π—₯π—šπ—˜π—‘π—–π—¬ π—₯π—˜π—¦π—£π—’π—‘π—¦π—˜ π—§π—˜π—”π— 

July 25, 2025 – Hermosa, Bataan

Patuloy ang pagtugon ng ating Municipal Health Office sa pangangailangang medikal ng mga kababayang naapektuhan ng masamang panahon. Kasama ang ating mga doktor, nurses, midwives, BHWs/BNS at iba pang kawani, nagbibigay tayo ng libreng serbisyong medikal at gamot para sa mga nangangailangan.

Katuwang din natin ang iba’t ibang ahensya ng Munisipyo ng Hermosa sa pangunguna ng ating Mayor Anne Inton at kasama ang buong konseho ng Sangguniang Bayan.

Para sa mga lumusong sa baha, hinihikayat po namin kayong magtungo sa pinakamalapit na Barangay Health Center upang makakuha ng libreng gamot laban sa leptospirosis. Bukas din po ang ating Rural Health Unit (RHU) sa New Palihan Public Market para sa patuloy na pagbibigay ng tulong medikal.

Sa panahon ng kalamidad, sama-sama tayong kumikilos para sa kalusugan at kaligtasan ng bawat HermoseΓ±o.

π’π€πŒπ€-π’π€πŒπ€ 𝐒𝐀 ππ€π†π‹πˆππ€πƒ 𝐍𝐆 π‡π„π‘πŒπŽπ’π€!



25/07/2025
23/07/2025
22/07/2025

🚨 DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA 🚨

Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. 🦠

Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.

Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.

Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. πŸ“ž




22/07/2025

🚨 DOH NAGPAALALA SA KAHALAGAHAN NG PAGHUGAS NG KAMAY SA EVACUATION CENTER 🚨

Umabot na sa 29,814 ang bilang ng mga evacuees sa mga rehiyon ng I, II, III, MIMAROPA, V , VI, VII, IX, at CAR na naapektuhan ng ayon sa DOH Health Emergency Alert Reporting System (as of July 19, 2025).

Dahil dito, nagpapaala ang DOH sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa katawan lalo na sa evacuation centers.

Madaling kumalat ang mga sakit sa evacuation centers dahil marami ang tao sa iisang lugar.

Basahin ang larawan para manatiling ligtas laban sa mga sakit, nasaan man kayo ngayong maulan.




22/07/2025

🚨DOH: PANATILIHING LIGTAS SA KONTAMINASYON ANG INUMING TUBIG LALO NA NGAYONG MAULAN🚨

Sa panahon ng matinding pag-ulan, posibleng may kontaminasyon ang inuming tubig mula sa mga nasirang water at sewage pipes na nalubog sa baha.

Mahalagang tiyaking safe ang iniinom na tubig sa bahay man o sa evacuation center upang makaiwas sa sakit tulad ng cholera, diarrhea, at leptospirosis.

Ayon sa DOH Health Emergency Alert Reporting System, umabot sa 28,114 ang bilang ng mga evacuees sa 370 evacuation centers sa mga rehiyon ng‭ NCR,‬‭ I,‬‭ II,‬‭ III,‬‭ CALABARZON,‬‭ MIMAROPA,‬‭ V,‬‭ VI,‬‭ VII,‬‭ VIII,‬ IX,‬‭ X,‬‭ XI,‬‭ XII,‬‭ Caraga‬‭ at‬‭ CAR dahil sa Bagyong Crising at Southwest Monsoon. Kaya nakahanda na ang mga chlorine tablets bilang isa sa mga emergency commodities ng DOH para may malinis na inuming tubig ang mga lumikas.

Maaari ring pakuluan ang tubig sa loob ng 2 minuto bago inumin bukod sa paggamit ng chlorine tablets.



22/07/2025

‼️DOH: MAG-INGAT SA PANGANIB NG KURYENTE SA BAHA‼️

Mapanganib na malubog sa tubig na may live wire o saksakan, maging ang
madikit sa mga nakasaksak na appliances na nabasa o nalubog sa tubig. Maaari itong magdulot ng electical shock o pagkakuryente.

Payo ng DOH, iwasang malubog sa baha lalo na kung maaaring may electrical source na nakalubog dito. Patayin ang main switch ng kuryente o circuit breaker.

Anong maaring mangyari sa katawan kapag nakuryente?
πŸ«€Cardiac Arrest - o paghinto ng puso dahil sa kuryente o electrical current

🫁Respiratory Arrest - dulot ng pagkaparalisa ng mga muscles na tumutulong sa paghinga

🧠Internal Organ Damage - maaaring mabilis na maapektuhan ng kuryente ang utak, bato at atay

🫲 Pagkasunog ng balat

🚨Maaaring magsagawa ng CPR sa isang taong nakuryente basta’t masigurong ligtas na ang kapaligiran. Sundin ang S.A.G.I.P. para sa mga hakbang.

Antabayanan din ang mga payo ng DOE: https://www.facebook.com/share/p/1CDA8ctTff/

Address

Hermosa
2111

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hermosa Lying-In and Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share