
28/08/2025
TB MASS SCREENING sa Zambales Provincial Jail
Noong Agosto 19, 2025, matagumpay na isinagawa ang TB Mass at HIV Screening sa Zambales Provincial Jail, katuwang ang Provincial Health Office (PHO) – Zambales at Central Luzon Center for Health Development (CLCHD).
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng 🫁 National Lung Month 2025 🫁 na may temang:
“Healthy Lungs, Healthy Pilipinas — TB ay Labanan, Buhay ay Ingatan!”
Layunin ng screening na maagang matukoy ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na posibleng may Tuberculosis (TB) upang agad na mabigyan ng nararapat na atensyon at gamutan.
Sa pamamagitan ng TB Mass Screening, mas napapalakas ang kampanya laban sa TB at higit na napapangalagaan ang kalusugan—hindi lamang ng mga PDL, kundi pati na rin ng ating mga jail officers at ng komunidad sa labas.
Ang TB ay isang nakahahawang sakit sa baga na maaaring maiwasan at magamot kung ito ay maaagapan. Kaya’t napakahalaga ng ganitong klase ng screening upang masiguro ang isang malusog at ligtas na kapaligiran para sa lahat.
Isang malaking pasasalamat sa Zambales Provincial Jail Management, sa pamunuan ng PRMMH, sa PHO Zambales, at sa CLCHD sa kanilang walang sawang suporta at dedikasyon sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan.
Patuloy tayong magsama-sama sa laban kontra TB! Tandaan:
✅ Magpatingin agad kung may ubo nang higit sa dalawang linggo.
✅ Uminom ng gamot nang tuloy-tuloy kung may TB.
Sama-sama nating isulong ang isang TB-Free Zambales!