09/12/2025
๐ข๐๐ฒ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฟ๐๐ฝ๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ต๐ฒ ๐๐๐๐ฆ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ฒ
Sa pakikiisa sa pandaigdigang pagdiriwang ng World AIDS Day, matagumpay na naisagawa ang isang komprehensibong programa sa tulong ng LGU Iba, Provincial Health Office, Provincial DOH Office, BalangawโLGBTQIA+ Iba Chapter, LGBT Pilipinas, IDEALS, at Lawyering for Development. Layunin nitong palawakin ang kaalaman ng komunidad at palakasin ang suporta para sa mga mamamayang apektado at namumuhay kasama ang HIV.
Tampok sa programa ang mga mahahalagang talakayan tulad ng SOGIE Bill Updates at short discussion mula kay Director Dindi Tan, OWWA National President at kinatawan ng LGBT Pilipinas; HIV 101 discussion mula kay Ms. Rachel Pascual ng PHO/RHU; at ang sabayang HIV Testing at PrEP services na inihatid ng Balin Kalinga Treatment Hub.
Kabilang din sa mga highlight ang Protects Upscale discussion ukol sa pagpapalawak ng mga programa at serbisyong nakatuon sa mga komunidad na apektado ng HIV, ang YAKAP Membership Orientation, ang Pledge of Commitment na pinangunahan ni SB Eds Martinez, at ang Oath Taking ng mga bagong opisyal ng LGBTQIA+ Iba Chapter.
Patuloy na ipinapakita ng Pamahalaang Lokal ng Iba, sa pangunguna ni Mayor Irenea Maniquiz-Binan, ang matibay na suporta at malasakit sa pagsusulong ng kalusugan, karapatan, at inklusibong pagkalinga para sa bawat Ibanianโbilang katuwang sa laban upang tuluyang wakasan ang HIV/AIDS sa Zambales.
December 5, 2025
Iba Municipal Hall
https://www.facebook.com/share/16srrmCNur/